DIY Classroom makeover ng isang SPED teacher hinangaan

  • Humanga ang mga netizens sa isang SPED teacher
  • Nagsagawa siya ng DIY o Do-It-Yourself classroom makeover o room transformation
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Ibinahagi ng isang lalaking guro ang isinagawa niyang classroom makeover para sa kaniyang klase sa SPED  sa loob lamang ng dalawang buwan, sa panahon ng pandemya.

Makikita sa vlog ni Sir Cyrell Jones o ‘Teacher CJ’ ang kaniyang Classroom Makeover/Room Transformation/DIY Class Room Design kung saan idinetalye niya kung paano niya pinagplanuhan at isinagawa ang kaniyang classroom make over habang wala pa ang mga mag-aaral dahil ipinagbabawal pa ang mga physical classes.

Image capture mula sa YouTube channel ni Teacher CJ

“Here’s the Makeover and Transformation of my Classroom. From storage room to simple yet classy classroom with a twist of modern and old school,” saad ng guro sa kaniyang YouTube channel.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Super nice, kaya lang buti kung every year same ang load at hindi pinapalipat ng room,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “I really love it! Maganda iyan kung hanggang pagreretiro ay diyan ka pero ako kasi natuto na, huwag aariin ang kuwarto kahit sinasabi ng Principal na pagandahin ang kuwarto at ariing inyo. In my almost 13 years in service, 5 times na akong lumipat ng kuwarto kaya minsan hindi sulit ang gastos sa pagpapaganda. Buti sana kung may ayuda mula sa paaralan eh ang kaso sa ating mga guro pa rin ang gastos. Just saying. Peace!”

“Great job, sir! Dedicated and passionate ka talaga. Nag-uumpisa iyan sa kung paano mo inaayos ang silid-aralan. May pagka-minimalist which is good unlike ibang classrooms na supercrowded! Overstimulating for the students. Sana lang bumalik na sa dating normal ang mga klase para mas maappreciate ng mga bata ang effort. Kudos!”

Nagpasalamat naman ang guro sa lahat ng mga pumuri sa kaniyang DIY classroom makeover.

Image capture mula sa YouTube channel ni Teacher CJ

“Nakakataba po ng puso ang mga comments ninyo po. Masasabi ko po talaga na worth it po ang nagastos ko kasi nakakabasa ako ng appreciation sa inyo, maraming salamat po. Sa mga nagtatanong po ng details sa classroom ko, gumawa po ako ng video para sa inyo po lahat,” aniya.

Panoorin ang vlog ni Teacher CJ via YouTube channel:

Loading…