DOH nakiusap sa mga matatanda na huwag lumabas para pumila sa community pantry

Screenshot mula sa GMA video
  • Nakiusap ang DOH sa mga senior citizens na huwag nang lumabas ng bahay para lang pumila sa mga community pantries
  • Ipinaalala ni Usec. Vergeire na sa ilalim ng MECQ ay hindi pinahihintulutang lumabas ang mga senior citizens na ang edad ay 65 pataas
  • Ang panawagan ng DOH official ay kasunod ng insidenteng nangyari sa community pantry sa Quezon City na inilunsad ng aktres na si Angel Locsin

Umapela si Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa mga matatanda na huwag nang lumabas ng bahay para pumila sa mga community pantries.

Imahe mula sa Benar News

Ang panawagan ng DOH official ay kasunod ng insidenteng nangyari sa community pantry sa Quezon City na inilunsad ng aktres na si Angel Locsin kung saan isang 67-anyos na matanda ang nawalan ng malay habang nakapila at idineklarang DOA nang dalhin sa pagamutan.

Madaling-araw pa lang ay nakapila na umano ang matandang balut vendor.

“We are on modified enhanced community quarantine (MECQ). So, sana walang mga matatandang lumalabas muna para mapangalagaan,” sabi ni Usec. Vergeire sa Laging Handa public briefing.

Sa ilalim ng MECQ, ang mga senior citizens na may edad 65 pataas, ang mga kabataang mas mababa sa disi-otso ang edad, ang mga may immunodeficiency, ang mga may comorbidity at mga nagdadalantao ay hindi pinapayagang lumabas ng bahay.

Maaari naman umanong makita ang mga benepisyong naidudulot ng mga community pantries nang hindi isinasakripisyo ang health protocols kontra sa COVID-19.

“Siguro sana po ay let’s show the benefits of what the community pantry can do for our citizens, but at the same time, ensuring na tayo lahat ay sumusunod sa protocols para wala tayong pagkakahawa-hawa sa mga ganitong events,” wika ni Usec. Vergeire.

Screenshot mula sa Inquirer video

Dagdag pa niya, dapat palaging ipinapaalala ng local government officials ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask at ang pagsunod sa physical distancing.

Basahin: Pag-imbita ni Angel Locsin sa milyun-milyong followers malaking kamalian, ayon sa barangay chairman

Loading…