DOH tikom ang bibig sa pagkaka-admit ni Roque kahit punuan ang mga ospital: “We have protocols”

Imahe mula sa Facebook
  • Ayaw magkomento ng DOH sa mga tanong kung paano na-admit kaagad si Sec. Roque
  • Paliwanag na lang ng ahensiya, mayroong sinusunod na protocols ang mga ospital sa ngayon
  • Ayon naman kay Roque, bumubuti na umano ang kaniyang kalagayan matapos bigyan ng remdesivir

Tumangging magbigay ng komento ang Department of Health (DOH) sa tila madaliang pagkaka-admit ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang ospital kahit halos punuan na ang mga health care facilities sa bansa ngayon.

Nitong nakaraang Sabado ay kinumpirma ni Roque sa kaniyang regular na press briefing na kasalukuyang nasa isang ospital siya matapos muling magpositibo sa COVID-19 sa ikalawang pagkakataon.

BASAHIN: Roque kinumpirmang naka-admit siya sa isang ospital dahil sa COVID-19 

Screenshot mula sa Facebook Live ni Sec. Roque

Kinabukasan ay sinabi ng kalihim na bumubuti na ang kaniyang kalagayan matapos bigyan ng gamot na remdesivir.

“I am better after only one vial of remdesivir and steroids. I came in at the right time since pneumonia was caught early on,” ayon sa Facebook post ng kalihim

Kaugnay nito, tikom naman ang bibig ng DOH sa mga tanong kung paanong na-admit kaagad si Roque gayung punuan na ang mga kuwarto at marami pang nakapila at naghihintay sa emergency room habang ang iba naman umano ay nasa mga tent pa sa labas ng ospital.

“We have our protocols and there is also triaging system in our hospitals based on the level of severity of patients when they come in,” paliwanag ni Health undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Lunes sa panayam ng ANC.

Screenshot mula sa Facebook/ Sec. Roque

“For this, please forgive me I’m not going to comment on this but as I’ve said, we have protocols in our system,” pag-iwas pa ng opisyal.

Si Roque ay unang nagpositibo sa COVID-19 noong Marso 15 at inanunsiyong gumaling na siya noong Marso 25. Nitong huli ay hindi na binanggit ng kalihim kung paano siya muling nahawa ng COVID matapos lumabas noon sa isolation facility na isang hotel sa Pasay City.

Ayon sa kaniyang update nitong Linggo, ibinahagi ng tagapagsalita ng Malakanyang na ‘normal’ na ang kaniyang pakiramdam at handa na siyang bumalik sa trabaho kabilang na ang pagbigay ng regular na virtual presser.

Loading…