Doktor ni Erap ayaw siyang bigyan ng Ivermectin, ayon kay Jinggoy: ‘That’s only for animals’

Imahe mula sa Facebook
  • Ayaw ng mga doktor ni dating Pangulong Estrada na bigyan ito ng Ivermectin
  • Para lang daw ito sa mga hayop, ayon kay dating Senador Jinggoy
  • Patuloy namang bumubuti ang kalagayan ng dating lider at posibleng ilipat na muli sa regular room

Tumanggi ang mga doktor ni dating Pangulong Joseph Estrada na bigyan siya ng Ivermectin dahil sa hayop lang daw ito ginagamit, ayon sa kaniyang anak na si Jinggoy nitong Lunes.

Sa panayam ng ANC, ibinahagi ni Jinggoy na pinag-usapan nilang magkakapatid kung papayag ba silang bigyan ang kanilang ama ng Ivermectin; ang kontrobersiyal na gamot na nakatutulong umano kontra COVID.

Imahe mula sa ABS-CBN News

“The doctors said, ‘I will not give Ivermectin to your dad because that is only for animals. I really have to follow the doctors’ advice,” anang dating senador.

Bukod sa Ivermectin, hindi rin daw binigyan ang 84-anyos na dating presidente ng Linghua Qingwen; ang Chinese medicine na sinasabi ng maraming nakagamit nito na nakatutulong naman umano para maiwasan ang malalang komplikasyon sa COVID.

Sa halip, napagkasunduan nila na ang i-administer na lang kay Erap ay ang Leronlimab; isang ‘investigational product’ na kasalukuyang sumasailalim sa clinical trials ngayon para gamitin ding panlaban sa COVID, ayon sa FDA.

Imahe mula kay JV Ejercito/ABS-CBN News

“I consulted the doctors of my dad and they talked among themselves and they agreed to administer Leronlimab to my father,” wika pa ni Jinggoy.

Patuloy na rin ang pagbuti ng kalagayan ni Erap at posible na namang ibalik siya sa regular na kuwarto nitong Lunes.

Lahat raw ng vital signs, kabilang na ang oxygen flow, ng dating pangulo ay normal na habang stabilized na rin ang kaniyang blood pressure.

Screenshot mula sa Facebook

“Kaya sabi ng doktora, he can be transferred to a regular room today,” ayon kay Jinggoy.

Isinugod sa pagamutan ang dating pangulo noong Marso 28 dahil sa panghihina ng katawan. Kinalaunan ay kinumpirma ng kaniyang pamilya na nagpositibo ito sa COVID-19 at sa loob ng ilang linggo ay naglabas- masok sa ICU.

Loading…