“Drivers License” ng Fil-Am singer na si Olivia Rodrigo ang unang kanta sa 2021 na may higit 1 billion streams

Imahe mula sa Billboard
  • Ang kantang Drivers License ni Olivia Rodrigo ang unang kanta na umabot na sa 1 billion streams ngayong 2021
  • Ang debut single ni Olivia Rodrigo ay noong January 8, 2021 lang opisyal na na-release
  • Ang 1 billionth stream ng kanta ay naabot noong March 25, 2021

Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang i-release ang debut single na “Drivers License” ng 18-year-old Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo pero patuloy pa rin itong gumagawa ng kasaysayan sa larangan ng musika.

Imahe mula sa Instagram account ni Olivia Rodrigo

Basahin: Unang kanta ng half-Pinay na si Olivia Rodrigo number 1 agad sa Billboard Hot 100 chart

Ibinahagi ng Billboard na batay sa MRC Data, ang “Drivers License”  ang kauna-unahang kanta ngayong 2021 na mayroon nang 1 billion global streams. Ang debut single ni Olivia Rodrigo ay noong January 8, 2021 lang opisyal na na-release.

Ang 1 billionth stream ng kanta ay naabot noong March 25, 2021.

Sa ngayon ay may 1.033 billion streams na ang Drivers License na matatandaang nanatili sa number 1 spot sa Billboard Global 200 Chart nang walong linggo.

Pumapangalawa sa may pinakamaraming streams ang kanta ng Korean Boy Band na BTS  na “Dynamite.” Mayroon na ito ngayong  mahigit 685 million streams.

Nauna nang na-break ng Drivers License ang records ng U.S Spotify nang ma-stream iyon ng mahigit anim na milyong beses sa loob lang ng isang araw. Iyon ang most streamed song in a single day sa U.S. Spotify history.

Imahe mula sa Instagram account ni Olivia Rodrigo

Sa 63-year history ng Billboard Hot 100 Chart ay wala pang limampung kanta ang nag-debut bilang number 1. Napabilang na ang pangalan ni Olivia Rodrigo sa hanay ng mga popular na mga international singers tulad ni Michael Jackson, Whitney Houston, Celine Dion, Taylor Swift at Ariana Grande.

Loading…