ECQ nasayang dahil walang malinaw na plano ang gobyerno – HPAAC

Imahe mula sa Yahoo News
  • Isang grupo ng mga health professionals ang nagsabing nasayang lang ang dalawang linggo ng ECQ sa NCR+ areas
  • Wala umanong malinaw na plano ang pamahalaan upang ayusin ang ugat ng pandemya, ayon sa HPAAC
  • Nilinaw naman ng DOH na ang epekto ng ipinatupad na ECQ ay mararamdaman sa loob ng susunod na dalawang linggo

Nasayang lang  ang dalawang linggo ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatupad sa NCR+ areas, ayon sa isang grupo ng mga health professionals.

Public domain image

Sinabi ng Health Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) na hindi naman naipatupad ng pamahalaan ang pangmatagalang pagbabago na kinakailangan upang mapigil ang surge ng COVID-19 cases.

“We re-emphasize that this mobility restriction is but a short-term intervention and yet it seems to have been wasted again,” pahayag ng grupo ng mga dokltor at health workers noong Linggo, ika-11 ng Abril bago pa ibaba sa modified ECQ o MECQ ang klasipikasyon ng community quarantine na ipinatutupad sa NCR+ areas.

Wala umanong malinaw na plano ang pamahalaan upang ayusin ang ugat ng pandemya.

“The government still has no clear plans and efforts to fix the root causes and the nation continues to suffer because of this. This ECQ may have slowed down the spread, but the numbers are still perilously high,” sabi pa  ng grupo.

Ayon naman sa Department of Health (DOH), ang epekto ng ipinatupad na ECQ ay mararamdaman sa loob ng susunod na dalawang linggo.

Imahe mula sa HPAAC

“We cannot still see the effect of the ECQ that we have done. But if we look at the numbers right now, it is still increasing. But hopefully, because of all these measures that we are doing, in about two weeks time we will see the decline in the number of cases,” pahayag ni DOH Usec. Ma. Rosario Vergeire nitong Lunes, April 12.

Aniya, hindi raw accurate na sabihing “wasted” ang dalawang linggong ECQ sa NCR+ areas.

 

Loading…