Engagement photoshoot ng couple na ‘simple living’ ang tema naghatid ng kilig at saya

  • Naghatid ng kilig at saya ang isang engagement photoshoot ng isang magkasintahan
  • Simpleng pamumuhay kasi sa bahay-kubo ang kanilang tema
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Isa sa mga karaniwang gawaing-bahay na kailangang isagawa sa pag-aasawa ay ang paglalaba. Mapa-mister man o misis, kailangang marunong maglaba, gamit man ang pagkusot-kusot sa pamamagitan ng mga kamay, o kaya ay paggamit ng washing machine.

Kaya naman, marami ang natuwa sa tema ng isang engagement photoshoot ng magkasintahang sina ‘AR-Mher at Gerlyn’ dahil ito ay nagpapakita ng paglalaba. Ibinahagi ang kanilang mga larawan sa opisyal na Facebook page ng ‘Events360,’ ang namahala sa photography ng kanilang photoshoot. Isa kasi ang paglalaba sa naging highlights ng kanilang tema, bukod pa sa nais talaga nilang ipakita ang simpleng pamumuhay lamang ng isang mag-asawa.

Imahe mula sa Facebook page ng Events360

Makikita sa mga larawan na sila ay tila nasa isang bahay-kubo, masayang naglalaba at nagsasampay na magkasama, nagtatahip ng bigas sa bilao, masayang magkatabi sa isang papag, sabay na kumakain at umiinom ng kape sa isang dulang, nagwawalis ng bakuran, at marami pang iba. ‘Back to basic’ ika nga.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Tulungan mo lang akong magsampay, mamahalin kita habambuhay. Naks! Sana nga kaya ninyong panindigan na sa bahay-kubo kayo manirahan at simpleng pamumuhay,” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “Kaya pala ginawa ang twin pack ng coffee, para may kapartner dapat, kailangan ko na yatang humanap ng katapat. HAHAHAHAHA.”

“Nakakatuwa ang realness ng prenup na ito. Walang excessive make-up, walang mahal na location, walang maarteng choreo. Napaka-natural lang. Puwera na lang doon sa naglalaba na naka-engagement ring. Joke lang. Very impressive!” papuri ng isa.

Wika naman ng isa, “Tatlong salita na maglalarawan sa engagement photoshoot na ito: nakakakilig, na nakakatawa, na nakakatuwa.”

Imahe mula sa Facebook page ng Events360

Pagbati sa engaged couple na sina AR-Mher at Gerlyn!

Source :

Facebook

Loading…