Erap bahagyang bumuti ang kondisyon; pero mga kapatid at manugang nagpositibo na rin sa COVID

Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Nag-improve nang bahagya ang lagay ni dating Pangulong Joseph Estrada
  • Ito ay isang araw matapos kabitan ng ventilator ang dating lider habang nasa ICU
  • Subalit nahawahan na rin ng COVID ang misis ni Jinggoy at mga kapatid na babae ni Erap

Bahagyang nag-improve ang kalagayan ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada isang araw matapos siyang kabitan ng mechanical ventilator habang nasa ICU dahil sa biglang paglala ng kaniyang pulmonya.

Sa pinakahuling update ni dating Senador Jinggoy Estrada nitong Miyerkules, Abril 7, sinabi ng panganay na anak ni Erap na bumubuti na ang kidney function ng kaniyang ama pati ang pangangailangan ng oxygen support.

Screenshot mula sa Facebook ni JE Estrada

“As per updates from my fathers physicians, he continues to be in stable condition. His kidney function is improving and his requirement for oxygen support is also slowly getting better. His other vital organs are functioning well,” ani Jinggoy.

May magandang indikasyon na rin umanong nakikita ang mga doktor na pababa na rin ang mga ‘inflammatory markers’ ng dating presidente na isinugod sa pagamutan noong nakaraang buwan matapos magpositibo sa COVID-19.

“We were informed by his physicians that his inflammatory markers are on a downward trend for which we are thankful and hopefully this signals that his immune system is responding well. We are praying that no new complications set in and that he continues to improve,” ayon pa kay Jinggoy.

Kapatid at manugang ni Erap, nagpositibo na rin sa COVID

Subalit kinumpirma rin ng dating mambabatas na nahawahan ng COVID ang kaniyang asawang si Precy at maging ang mga matandang kapatid ni Erap na babae.

Ex-Sen. Jinggoy Estrada at misis na si Precy

Na-expose daw kasi umano ang mga ito sa Ejercito patriarch nang sabay-sabay silang mag-dinner kamakailan.

“Nag-dinner pa kami… ‘Yung aking asawa, nag-positive kagabi. ‘Yung aking mga tiyahin na kapatid ng tatay ko na mas matanda sa tatay ko, nag-positive rin and I think they are asymptomatic,” kuwento ni Jinggoy sa panayam ng Teleradyo.

Mabuti na lamang daw at asymptomatic ang kaniyang misis at mga tiyahin kaya hindi na ito kailangang dalhin sa pagamutan.

Hindi naman binanggit pa ni Jingooy kung sino sa mga kapatid ni Erap ang nagpositibo ngayon sa COVID-19.

Loading…