Facebook tinanggal ang page na nasa likod ng kumalat na post na mayroong malware

Imahe mula sa Facebook-DOJ-OOC
  • Kumalat sa Facebook ang post na nagta-tag sa kung sino-sinong mga users
  • Nagpaalala ang DOJ na isa itong malware na nagreresulta sa automatic at random tagging
  • Nitong Huwebes ay tinanggal na ng Facebook ang page na responsable sa pagpapakalat nito

Isa ka rin ba sa hindi sinasadyang na-click ang link na ipinadala ng isang Facebook user na hindi mo kilala subalit naka-tag sa iyo?

Kumalat nitong nagdaang araw ang naturang Facebook post na ayon sa Department of Justice-Office of Cybercrime (DOJ-OOC) ay mayroong malware na magreresulta sa automatic at random tagging sa iba pang mga users.

Imahe mula sa Facebook-Prcp Albay

Nagbabala ang ahensiya na huwag itong i-click lalo na ang link ng ‘video’ raw na may malisyosong laman.

“If you happen to get a notification tagging you in a post that contains a link to an apparent adult content, do not click any further and report the post,” ayon sa paalala ng DOJ.

Nitong Miyerkules ay kinumpirma ng DOJ-OOC na tinanggal na ng Facebook APAC Legal Law Enforcement Outreach ang page na nagpakalat ng naturang malware.

Screenshot mula sa Facebook-DOJ-OOC

“The page associated with the malicious tagging has been removed and its administrators were sanctioned,” nasasaad sa anunsiyo ng ahensiya.

“We encourage everyone to report similar incidents in the future to the DOJ-OOC for immediate and appropriate action,” dagdag pa nito.

Ang mga ganitong gawain, ayon sa OCC, na nagpapakalat ng virus tulad ng malware na nakaapekto sa computer systems ay ipinagbabawal sa ilalim ng  Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Screenshot mula sa Facebook-DOJ-OOC

Nagpaalala rin ang DOJ sa publiko na maging maingat sa pagki-click ng kung ano-anong link na kanilang natatanggap upang hindi mapagsamantalahan ng mga hackers.

“Let’s all be good netizens and practice the responsible use of social media,” wika pa ng DOJ-OOC.

Loading…