FDA chief inaming may ‘pressure’ na maaprubahan ang Ivermectin bilang gamot vs. COVID

Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Inamin ng FDA na may ‘pressure’ sa kanila para aprubahan ang Ivermectin
  • Subalit naglabas umano sila ng CSP base sa merit nito at kailangang kumpleto ang requirements
  • Ganun pa man, naglabas pa rin ng public advisory ang ahensiya laban sa pagbili ng Ivermectin

Inamin ni FDA director general Dr. Eric Domingo na mayroong ‘pressure’ sa ahensiya na aprubahan ang Ivermectin bilang gamot sa mga pasyenteng nahawahan ng COVID-19.

Matatandaang tutol noon ang FDA na gamitin ninuman ang Ivermectin para sa mga mayroong COVID dahil wala umanong sapat na katibayan na nakatutulong ito upang gamutin ang sakit; bagay na sinang-ayunan din ng World Health Organization (WHO).

Imahe mula sa FDA

Subalit matapos ang kabi-kabilang panawagan mula sa iba’t-ibang sektor ay napilitang magbigay ng compassionate special permit (CSP) ang FDA sa mga ospital na nais gumamit ng human-grade Ivermectin para sa kanilang pasyenteng may COVID.

Sa panayam ng PTV 4 kamakailan, inamin ni Dr. Domingo na nakaranas sila ng ‘pressure’ mula sa iba’t-ibang panig para aprubahan ang Ivermectin.

“Siyempre may pressure sa kung saan-saan pero sa FDA naman po, ina-approve ang application based on merit at basta po nakakumpleto sila ng requirements,” bahagi ni Domingo.

Ganun pa man, nilinaw ng opisyal na ito ay isang ‘investigational drug’ pa lamang at hindi nila inirerekomenda.

Imahe mula sa RebelEm

Iginiit din ni Domingo na wala silang nilabag na batas sa pagbibigay ng CSP sa mga ospital na gagamit ng Ivermectin dahil Hulyo pa lamang noong nakaraang taon ay pinalawig na ng Department of Health (DOH) ang maaaring bigyan ng CSP na gagamitin kontra COVID.

Naglabas din ng advisory ang FDA noong isang araw upang paalalahanan ang publiko na ipinagbabawal pa ring bumili ng Ivermectin sa mga botika at pharmacy upang gamiting panlaban sa COVID.

“Any use of Ivermectin veterinary products for the prevention or treatment of COVID-19 should be avoided as the benefits and safety for this purpose has not been established. Data from clinical trials are necessary to determine whether Ivermectin is safe and effective in treating or preventing COVID-19,” ayon sa advisory ng ahensiya.

Loading…