FDA ipinatigil ang paggamit ng AstraZeneca sa mga taong under 60 years old dahil sa posibleng side effect

Imahe mula sa GAVI
  • Ipinatitigil ng FDA ang paggamit ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa mga taong under 60 years old
  • Ito ay kasunod ng anunsyo ng EMA na may naitalang 16 cases ng blood clot side effect sa mga naturukan nito sa Europe
  • Tiniyak naman ng FDA na wala pa namang mga Pilipinong nabakunahan ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ang napaulat na nakaranas ng side effect ng naturang bakuna

Ipinahihinto ng Food and Drug Administration (FDA) sa Department of Health ang pagtuturok ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa mga taong under 60 years old dahil sa posibleng side effect nito na blood clot.

Imahe mula sa FDA

Ang rekomendasyon ay ginawa ni FDA  director general Eric Domingo matapos ianunsyo ng European Medicines Agency (EMA) na may nakita itong posibleng kaugnayan ng AstraZeneca vaccine sa labing-anim na kaso ng blood clot cases na naitala sa buong Europe.

“Nakikita ito usually sa kababaihan na less than 60 years old. We asked DOH na kung may natitira pang Astrazeneca vaccine, siguro huwag na muna natin gamitin sa people under 60 years old  until we get clearer evidence and guidance from WHO (World Health Organization) and our experts,” pahayag ni Domingo.

Tiniyak naman ni Domingo na wala pa namang mga taong nabakunahan ng AstraZeneca COVID-19 vaccines sa bansa ang napaulat na nakaranas ng side effect ng naturang bakuna.

Aniya, paubos na ang naunang batch ng AstraZeneca vaccine at ang bagong batch na halos isang milyong doses nito ay inaasahang darating sa susunod na buwan. Dahil dito ay may panahon pa umano na magsagawa ng pagsusuri sa bakuna at makapaglabas ng bagong guidelines.

Imahe mula sa NTF Against COVID-19

“We almost used up our AstraZeneca supply. The next batch of AstraZeneca is expected to be delivered a month from now.  That will give us the time to study and evidence and come up with new guidelines,” ani Domingo.

Nilinaw niya na ang suspensyon ng pagturok ng AstraZeneca ay hindi nangangahulugan na hindi iyon ligtas o epektibo.

Aniya, sinisiguro lang ng ahensya ang kaligtasan ng bawat Pilipino.

Loading…