FDA nagbabala hinggil sa pekeng COVID-19 vaccine

Imahe mula sa FDA
  • Nagbabala ang FDA laban sa paggamit ng pekeng COVID-19 vaccine
  • Ang babala ay matapos kumpirmahin ng Pfizer-BioNtech sa WHO na pineke ang ginawa nilang bakuna na tinatawag na BNT162b2
  • Sinabi ng Pfizer na pineke ang batch number at labels nito
  • Hinihikayat ang sinumang may nalalaman hinggil sa mga gumagawa ng pekeng COVID-19 vaccine na ipagbigay-alam ito sa FDA

Nagbigay ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa paggamit ng pekeng COVID-19 vaccine na unang nadiskubre sa Mexico.

Screenshot ng FB post ng FDA

Kinumpirma mismo ng manufacturer ng bakuna sa World Health Organization (WHO) na pineke ang kanilang vaccine.

Ayon sa advisory na inilabas noong ika-30 ng Marso, sinabi ng FDA na nakatanggap ito ng mga reports na ang bakuna na tinatawag na BNT162b2 na gawa umano ng Pfizer-BioNTech ay itinuturok sa mga pasyenteng hindi sakop ng authorized vaccination programs.

“The Food and Drug Administration notifies the public on the Medical Product Alert provided by the WHO, wherein a COVID-19 vaccine identified as BNT162b2 was detected in Mexico last February 2021 and was recently confirmed as falsified  to the WHO by its manufacturer. It was reported that this product was supplied and was administered to patients outside the authorized vaccination programs,” saad sa bahagi ng FDA advisory.

Kinumpirma umano ng Pfizer-BioNTech na hindi nila gawa ang naturang bakuna. Peke raw ang batch number at expiry date niyon. Ang glass vials at labels naman ay ibang-iba raw sa authentic COVID-19 vaccine BNT162b2 vials.

Imahe mula sa FDA

Pinaalalahanan ng FDA ang publiko na magpabakuna lang sa mga DOH-authorized vaccination sites at ang dapat magturok ay ang mga DOH authorized health workers.

Habang wala pang katunayan na may mga pekeng COVID-19 vaccine sa bansa, hinikayat ng FDA ang publiko na maging mapagmatyag laban sa mga pekeng gamot.

Hinihikayat din ang sinumang may nalalaman hinggil sa mga gumagawa ng pekeng COVID-19 vaccine na ipagbigay-alam ito sa FDA.

Source :

ABS-CBN, Facebook

Loading…