Foreign nationals papayagan na uling makapasok sa Pinas simula Mayo 1

Imahe mula sa CTV News
  • Papayagan na uling makapasok sa Pilipinas ang mga dayuhan simula sa Mayo 1
  • Subalit hindi kasali rito ang mga manggagaling sa bansang India
  • Kailangan din nilang sundin ang mga requirements ng IATF

Simula nitong Sabado, Mayo 1, papayagan na muling makapasok sa bansa ang mga banyagang may valid na visa maliban na lamang yaong manggagaling sa India.

Inanunsiyo nitong Biyernes ng Malakanyang na tatanggalin na ang pinaiiral na travel ban sa mga foreign nationals subalit kailangan pa rin silang dumaan sa mahigpit na health at quarantine protocols na ipinatutupad ng IATF.

Imahe mula sa UNTV

“On Thursday, April 29, 2021, (the IATF) allowed the entry to the Philippines of foreign nationals permitted under previous IATF resolutions. They are, however, subject to conditions, such as they must have a valid and existing visa at the time of entry,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Hindi naman dito kasama ang mga dayuhan na manggagaling sa India dahil epektibo pa rin ang travel ban ng Pilipinas para sa nasabing bansa na ipinatupad noong Abril 29 at mananatili hanggang Mayo 14.

Mayroon ding mga requirements para sa mga banyagang darating bago payagang makapasok sa bansa. Kabilang na rito ang pagkakaroon dapat ng valid na visa maliban na lamang yaong exempted sa ilalim ng Balikbayan program.

Imahe mula sa ASEAN Travel News

Kailangan ding mayroon silang pre-booked accommodation sa loob ng 7 araw sa isang accredited quarantine hotel o pasilidad at sasailalim rin sila sa testing sa kanilang quarantine facility sa ika-6 na araw simula nang sila ay dumating.

Sila ay masasaklaw din sa  maximum capacity ng inbound passengers (1,500 kada araw) sa mga paliparan at petsa ng kanilang pagdating.

“All these are without prejudice to immigrations, rules, and regulations.  The Commissioner of Immigration shall have the exclusive prerogative to decide on the waiver or recall of exclusion orders of foreign nationals, subject to regular reporting to the IATF Secretariat,” dagdag pa ni Roque.

Loading…