Gab Valenciano inamin na nagka-COVID; hinimok ang mga gumaling na mag-donate ng plasma

Imahe mula sa Instagram account ni Gab Valenciano
  • Inamin ni Gab Valenciano na tinamaan siya ng COVID-19 noong November 2020
  • Hinihikayat niya ang lahat ng mga naka-recover sa COVID-19 na mag-donate ng convalescent plasma
  • Ang convalescent plasma ay isinasalin sa bloodstream ng pasyenteng nasa kritikal na kalagayan upang tulungan ito na labanan ang coronavirus at maka-recover

Hinihikayat ni Gab Valenciano ang mga taong naka-recover sa COVID-19 na maging bayani sa pamamagitan ng pagdo-donate ng kanilang plasma.

Imahe mula sa Instagram account ni Gab Valenciano

Inamin ni Gab, ikalawang anak ni Gary V. at Angeli Pangilinan, na nagkaroon siya ng COVID-19 noong Nobyembre ng nakaraang taon pero minabuti niyang sa pamilya at malalapit na kaibigan lang ipaalam ang kondisyon.

Mabilis naman daw siyang gumaling dahil sa pagsunod sa mga protocols at sa suporta mula sa pamilya at mga kaibigan.

Wala raw sana siyang balak na isapubliko ang pinagdaanan, subalit nagbago ang isip niya dahil sa panahon ngayon ay kailangan daw natin ang mga bayani.

“I never planned to post about it till today because right now, we need heroes,” post ni Gab sa kanyang Instagram account.

Sinabi niya na may isa pang paraan kung paano malalabanan ang coronavirus. Ito ay sa pamamagitan ng pag-donate ng convalescent plasma.

“There is another way we can fight this virus: Convalescent plasma donation,” aniya.

Imahe mula sa Instagram account ni Gab Valenciano

Ipinaliwanag niya kung ano ang plasma at kung paano nito malalabanan ang COVID-19.

“Plasma is the liquid part of your blood which contains antibodies that keep your body working well and helps fight off deadly diseases. In this case, COVID-19. Once you contract the virus and recover from it, you now have antibodies in your blood which gives you the opportunity to be a hero and save lives,” paliwanag niya.

Ang convalescent plasma ay isinasalin sa bloodstream ng pasyenteng nasa kritikal na kalagayan upang tulungan ito na labanan ang coronavirus at maka-recover.

Imahe mula sa Instagram account ni Gab Valenciano

“To those who have recovered, this is our silver lining. This is our chance to make a difference,” sabi pa  niya.

Ibinigay niya ang mga numerong 0917-582-0499 at 0915-399-7718 na maaaring tawagan ng mga interesadong mag-donate ng convalescent plasma.

Source :

Instagram, GMA

Loading…