GCQ sa NCR+ areas posible sa Mayo kung madadagdagan ng mga kama para sa COVID-19 patients

Screenshot mula sa GMA video
  • Sinabi ni DTI Sec. Ramon Lopez na maaaring ilagay sa GCQ ang NCR+ areas simula sa buwan ng Mayo
  • Ito raw ay posible kung madadagdagan ang mga hospital beds para sa mga COVID-19 patients
  • Sinabi naman ng molecular biologist-priestna si Fr. Nicanor Austriaco na ang dahilan kung bakit na-o-overwhelm ang mga pagamutan ay hindi ang kakulangan ng mga kama kundi ang kakulangan ng mga nurses

Posibleng maibaba sa mas maluwag na quarantine classification na general community quarantine (GCQ) ang NCR+ areas na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal simula sa buwan ng Mayo kung tataas ang bilang ng mga available hospital beds para sa COVID-19 patients.

Imahe mula sa DTI

Ito ang ipinahayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez nitong Biyernes, ika-23 ng Abril.

“The soonest, of course, would be May, starting May,” sagot ni Sec.Lopez sa tanong kung kailan kaya posibleng ilagay sa GCQ ang NCR+ areas.

Bago umano mangyari ito ay dapat munang masolusyunan ng pamahalaan ang mataas na occupancy rate ng mga intensive care units ng mga pagamutan para sa mga severe cases ng COVID-19 at ang mas episyenteng implementasyon ng contact tracing.

“We believe if we are able to really ramp up the ICU beds, ‘yung healthcare system, commitment ‘yun. At the same time really have an efficient contact tracing. But if we need more time for that, assuming cases are still up, of course hindi pwedeng basta ka lang mag-GCQ on May 1. Iyan ‘yung mga binabalanse natin. ‘Pag na-solve natin ‘yun, possible May 1, if not, May 15,” anang kalihim.

Imahe mula sa Gulf News

Samantala, sinabi ng molecular biologist-priest na si Fr. Nicanor Austriaco na ang tunay na dahilan kung bakit na-o-overwhelm ang mga pagamutan ay hindi dahil sa kakulangan ng mga hospital beds para sa COVID-19 patients kundi ang kakulangan ng mga nurses na nangangalaga sa mga pasyente.

“One of the reasons why our hospitals appear to be so overwhelmed in spite of the extra number of beds that are recorded every single day in the DOH data is because we are actually facing a log jam, a limit. The limiting factor is actually not beds but nurses,” sabi ni Fr. Austriaco sa virtual conference na inorganisa ng OCTA Research group at Cardinal Santos Medical Center.

Ang tanong niya, kung madadagdagan ba ang mga kama ay magkakaroon din ba ng sapat na mga nurses upang matiyak na mabibigyan ng tama at sapat na pangangalaga ang mga pasyente?

Loading…