Ginang na dismayado sa hindi pantay na pagbibigay ng financial assistance ng LGU: “Nung botohan halos lahat pinupuntahan n’yo”

  • Trending ngayon ang pahayag ng isang ginang tungkol sa diumano’y hindi pantay na pamimigay ng ayuda ng LGU
  • Himutok ng ginang, kapag daw eleksiyon, lahat sinusuyod pero sa ayuda, pili lang
  • Marami naman ang nakisimpatya sa ginang at sinabing nauunawaan nila ang damdamin nito

Para sa ilan, biyaya ang ipinamamahaging financial assistance ng pamahalaan para sa mga mamamayang naapektuhan ng pandemya at kabi-kabilang lockdown. Gayunman, hindi naman maitatanggi na suliranindin para sa maraming umaasa ang hindi nila pagkakasama sa listahan ng LGU para mabigyan ng ayuda.

Isama pa rito ang napakagulong sistema ng pamamahagi ng ilang barangay na tila nakalimot na sa health protocols na dapat ipatupad upang maiwasan ang hawaan. Ang siste, marami tuloy sa mga mamamayan ang dismayado at naglalabas ng kanilang damdamin tungkol sa mga aberya.

Larawan mula sa YouTube video ng GMA News

Kabilang dito ang isang ginang mula sa Navotas City na viral ngayon sa social media matapos magpahayag ng inis sa mga nakaupong opisyal sa kanilang lugar. Mapapanood sa video na ni-reupload ng page na Online Trending na orihinal na ipinalabas ng GMA News ang galit na nanay dahil hindi umano sila napasama sa SAP subsidy ng pamahalaan.

Ayon sa ginang, noon daw eleksyon, ang sisipag ng mga politiko na mag-ikot-ikot sa mga bahay na kahit saang sulok daw ng kanilang lugar ay makikita mo. Ngunit ngayong kailangan ng mga nasasakupan nila ang kanilang serbisyo, ni anino raw ng mga ito ay hindi nila masilayan.

“Pag dating sa botohan, halos lahat sinusugod n’yo, pinupuntahan n’yo… ngayon na kailangan namin… Dahil kami, kung hindi rin dahil sa aming maliliit hindi rin kayo aangat,” pahayag ng ginang na nakatanggap naman ng palakpak sa mga nanay na kasama niyang nadismaya sa hindi nila pagkakasama.

Nag-ugat ang po0t ng ginang dahil marami umanong pamilyang tunay na mahihirap ang hindi nakasama sa ayuda kabilang sila. Ang ganitong isyu ay hindi na bago dahil maraming residente mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang may katulad na reklam0.

Larawan mula sa YouTube video ng GMA News

Agad na nag-viral online ang nasabing video na umani ng higit 13,000 reactions, 1,000 comments, at 125,000 shares. Pahayag ng ilan, ramdam nila at sang-ayon sila sa punto ni nanay sa video. Kaugnay kasi ng hinaing niya ay ang pagpapapila sa mga tao para makakuha ng ayuda.

Pagtataka ng ilan, noong bago magbotohan nga naman, lahat napupuntahan ng mga ito para mangampanya. Ngunit ngayong bigayan ng ayuda na mahalagang nasa bahay lamang ang mga mamamayan, ay pinaiiral nila ang sistema ng pagpila na nagiging ugat ng kaguluhan.

Panoorin ang video:

Source :

Facebook, YouTube

Loading…