Gov. Remulla sa naging ‘iringan’ nila ni Mayor Isko: “Peace na kami”

Imahe mula sa Facebook
  • Mukhang naayos na ang munting gusot sa pagitan nina Mayor Isko at Gov. Remulla
  • Nag-tweet nitong Sabado si Remulla na nagsabing ‘peace na sila’ ni Yorme
  • Nag-ugat ang iringan ng dalawa sa naging pahayag ni Yorme sa pamamahagi ng ayuda sa Naic

Matapos ang sandaling ‘iringan’, mukhang nagkaayos na sina Cavite Governor Jonvic Remulla at at alkalde ng Maynila na si Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Magugunitang nitong Biyernes ay naglabas ng saloobin sa social media si Remulla para ‘kastiguhin’ si Yorme sa naging pahayag ng huli hinggil sa pamamahagi ng ayuda ni Naic Mayor Jun Dualan sa mga relocatees galing Maynila.

BASAHIN: Gov. Remulla may pasaring kay Mayor Isko hinggil sa pamamahagi ng ayuda sa Naic

Subalit nitong Sabado, nag-tweet ang gobernador at ibinahaging ‘peace’ na umano sila ni Mayor Isko.

Screenshot mula sa Twitter

“Guys tigil na. Wala kaming away ni Yorme. Peace na kami so let’s move on. Have a good weekend and SHOUTOUT sa lahat ng ARMY … I Purple You,” ayon sa tweet ni Remulla.

Bagama’t hindi na naglabas ng reaksiyon si Yorme para sagutin ang pasaring ni Remulla sa Facebook, kinumpirma naman ng gobernador sa ABS-CBN News na tumawag umano ito sa kaniya para magpaliwanag.

“We had an understanding that in these stressful times we often say things we shouldn’t have,” bahagi ni Remulla.

Imahe mula sa Facebook

Sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, pinasaringan ni Remulla si Yorme bilang pagtatanggol kay Mayor Dualan. Inungkat rin ng gobernador ang umano’y ‘ambisyonn’ ni Mayor Isko para maging pangulo ng bansa.

“Yorme, alam ng lahat ang ambisyon mong maging Pangulo. Wala namang isyu don. Libre mangarap ang kahit sino,” ayon pa kay Remulla. “Pero sana ay huwag mong tapakan ang iba para lamang umangat ka. Hindi ka pa nga Pangulo ay ang yabang mo na.”

Screenshot mula sa Facebook/ Gov. Remulla

Sa huli ay mistulang nagbitiw pa ng hamon ang gobernador laban sa alkalde.

“Kung pagpapasikat lang ang gusto mo? Hindi mo kailangan mang-apak ng Caviteño. Wag kaming mga Caviteño ang pag-initan mo. Hindi ka namin uurungan,” anito.

Loading…