Green EDSA Movement inilunsad

Screenshot mula sa Green EDSA Movement video
  • Inilunsad ang Green EDSA Movement kasabay ng selebrasyon ng Earth Day 2021 noong April 22
  • Nais ng grupo na ayusin ang EDSA sa pamamagitan ng pagpapalapad ng sidewalks at pagtatanim ng mga puno sa magkabilang gilid ng kalsada
  • Ang mga car lanes ay babawasan at papalitan ng mas episyenteng mass transpport na gumagamit ng clean energy

Kasabay ng selebrasyon ng Earth Day 2021 noong ika-22 ng Abril ay inilunsad ng mga lider ng pribadong sektor at ng mga environment advocates ang Green EDSA Movement, isang inisyatibo na naglalayong gawing isang iconic green highway ang EDSA bilang tugon sa climate crisis.

Logo ng Green EDSA Movement

Nakalulungkot na umano ang kalagayan ng EDSA, ayon sa organisasyon na nagpahayag ng pagnanais na ayusin ang pangunahing kalsada ng Metro Manila sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno sa magkabilang gilid ng EDSA at ang pagpapalapad ng mga sidewalks.

Nais din ng movement na bawasan ang mga car lanes at ang mga espasyong makukuha ay gagamitin sa widening ng sidewalks, paglalagay ng bike lanes at mapagtataniman ng mga puno. Kasabay ng mga ito ay ang paggamit ng mas episyenteng mass transport upang mabawasan ang paggamit ng private cars.

Ayon sa chairman ng Green EDSA Movement na si Eduardo Yap, ang vision ng movement para sa EDSA ay ang mga sumusunod:

Imahe mula sa GEM

– Calmer with clean energy public transportation

– More walkable with wider sidewalks

– Tree-lined and landscaped

– Bicycle lane

– Ground level mobility preferred

Ani Yap, kung nagagawa sa ibang bansa tulad ng Singapore ay maaari ring magkaroon ng green highway sa Pilipinas kung saan binibigyan ng prayoridad ang mobility ng mga tao.

Screenshot mula sa GEM video

Marami ang nagpahayag ng suporta sa movement kabilang si Makati City Mayor Abby Binay, Quezon City Mayor Joy Belmonte at mga business groups.

Ayon kay Mayor Binay, hihikayatin niya ang mga property owners sa Makati na suportahan ang planong pagbabago na gagawin sa EDSA upang maging isang eco- and people-friendly greenway.

Loading…