Guro na ipinaamoy ang paa sa kindergarten student, tinanggal sa trabaho

Imahe mula sa Pixabay
  • Tinanggal sa trabaho ang isang guro na nagpaamoy ng kanyang paa sa isang kindergarten student
  • Ipinost pa ng guro sa social media ang larawan ng ginawang pagpapaamoy ng paa
  • Tinuturuan umano niya ang mga bata tungkol sa “masochism”

Isang kindergarten teacher ng RYB Kindergarten sa Ruijin City, Jiangxi,  eastern China ang tinanggal sa trabaho at isang linggong ipiniit dahil sa ginawang pagpapaamoy ng kaniyang paa sa isa sa mga mag-aaral.

Imahe mula sa Beijing Kids

Ipinost pa ng guro sa social media ang ilang larawan ng kanyang ginawa.

Paliwanag ng guro na kinilala lang sa pangalang Liu, tinuturuan lang niya ang mga bata tungkol sa “masochism” o ang pagkakamit ng kasiyahan mula sa pagkapahiya o  pagdurusa.

Nag-comment pa ang guro kaugnay ng larawang ipinost niya sa WeChat – “do smell, smell carefully” at “blocked parents and teachers.”

Makikita sa isa sa mga larawan ang isang bata na inaamoy ang paa ni Liu na mayroong medyas.

Kinunan ng screenshot ng isa sa mga WeChat contacts ni Liu ang mga larawan at ipinost iyon sa Weibo, isang Chinese social media platform na katulad ng Twitter. Binatikos nito ang ginawa ng guro bago nagsuplong sa mga awtoridad.

Batay sa imbestigasyon, naganap ang insidente noong Lunes, April 12, bago dalhin ng guro ang mga bata sa play area.

Ayon sa batang nasa mga larawan, maamoy daw ang paa ng teacher. Sinabi pa ng bata na bago ipaamoy sa kanya ay inamoy muna ni Liu ang sariling paa.

Imahe mula sa Weibo

“It happened during playtime, and so far we haven’t found any forcible or abusive behavior. However, it seriously violated the daily behavioral norms of teachers of the kindergarten and deserved the dismissal due to the bad social influence,” pahayag ng paaralan.

Ipinag-utos ng Ruijin City government sa paaralan ang pagsibak kay Liu.

Source :

SCMP, The Star

Loading…