Guro naglabas ng saloobin matapos murahin ng estudyanteng tinutulungan niyang makapasa

Imahe mula sa Facebook | Cham Lijat
  • Nakatanggap ang isang guro ng masakit na salita mula sa estudyante na tinutulungan niya upang makapasa
  • Kuwento ni Cham Lijat sa isang Facebook post, nag-message siya sa isang estudyanteng hindi nagpaparamdam mula nang magbukas ang klase upang ipaalala sa kaniya ang mga dapat nitong ipasa
  • Nagpasa naman daw ang estudyante ngunit may kasama itong masakit na salita

Naglabas ng kaniyang saloobin ang isang guro matapos na makatanggap ng mura mula sa estudyanteng tinutulungan niyang maghabol ng requirements upang makasama sa moving up ceremony.

Imahe mula sa Unsplash

Pag-amin ni Cham Lijat sa isang Facebook post, hirap silang mga guro na makasabay sa adjustments dulot ng new normal education.

“Napakalawak na pagpapasensya ang ibinibigay ng mga teachers sa tuwing isi-seen lang sila ng mga estudyante at magulang. Ni kahit tawag ay hindi sinasagot ng mga estudyante at magulang, minsan ay binababaan pa ng telepono kapag nalamang teacher ang nasa kabilang linya.Uulitin ko, napakahirap,” sabi pa nya.

Kuwento niya, magmula noong magsimula ang klase noong Oktubre 5 ay hindi pumapasok ang kaniyang estudyante kaya naman maging outputs at requirements ay hindi nito naipapasa.

“In my part as his teacher, hindi ako nagkulang sa pag-remind sa kaniya… Iniitindi ko siya dahil baka nahihirapan sa setup ngayon ng klase namin. Baka hirap maka-adapt sa new normal education,” sabi pa ni Cham.

Imahe mula sa Facebook | Cham Lijat

Ngunit hindi niya raw matanggap na sa kabila ng kaniyang pag-intindi ay masakit na salita ang matatanggap niya mula sa estudyanteng tinuturing niyang anak.

“Nag-message ako sa kaniya ng mga dapat nyang ipasa para makahabol siya at makasamang makapagmove-up sa Grade 11. Nagpasa naman siya ng ilan pero ganito ang message nya

‘Ayan na maam put*ng in* mo,'” pagbabahagi ni Cham.

Labis daw siyang nasaktan nang mabasa ito. “NAPAKASAKIT. Nanginginig pa rin ako. Hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa sakit na nararamdaman ko. Binura niya ang message niya at humingi ng sorry. Maaalis ba ng salitang sorry yung sakit na naiparamdam niya sa akin? Ha anak? Sa walong taon kong pagtuturo, ito ang natanggap ko,” pagtatapos niya.

Source :

Facebook

Loading…