Habang maraming mamamayan ang naghihirap, may mga taong pinagkakakitaan ang pandemya – Raffy Tulfo

Screenshot mula sa Raffy Tulfo in Action video
  • May pagsisiwalat si Raffy Tulfo tungkol sa umano’y malungkot na katotohanang nagaganap sa gitna ng pandemya
  • Sabi niya, habang maraming kababayang naghihirap ay mayroon namang pinagkakakitaan ang COVID-19 pandemic
  • May ilan umano sa DOH at FDA ang “kumikita” dahil sa pandemya

Ibinahagi ng beteranong broadacast journalist na si Raffy Tulfo sa kanyang YouTube channel na “Raffy Tulfo in Action” ang dalawang malungkot na katotohanan ngayong umiiral ang health crisis sa ating bansa.

Screenshot mula sa Raffy Tulfo in Action video

Aniya, ang unang “sad truth” na nagaganap ay ang mga pagamutang tumatanggi nang tumanggap ng mga pasyenteng may sintomas ng COVID-19 na nais magpagamot dahil wala nang bakanteng kama.

Ikinuwento niya ang tungkol sa isang kaibigan na nakapila sa isang pagamutan na nagmakaawa sa kanya upang tulungang makapasok sa ospital. Hindi niya natulungan ang kaibigan dahil kailangan talagang pumila.

Aniya, tumawag siya sa ibang pagamutan sa Metro Manila subalit pawang puno na rin ng mga pasyente ang mga iyon. Sa bandang huli ay niresetahan na lang daw ng doktor ng antibiotic ang kaibigan para sa bahay na lang magpagaling.

Ang ikalawang “sad truth,” ayon kay Raffy Tulfo, ay may mga tao raw na pinagkakakitaan ang pandemya sa gitna ng paghihirap ng marami nating kababayan.

“Habang marami tayong kababayang naghihirap, marami rin ang kumikita at yumayaman. Pinagkakitaan po itong pandemya. Unfortunately, itong mga scammer ilan sa kanila taga-gobyerno na nagsasamantala,” aniya.

Screenshot mula sa Raffy Tulfo in Action video

Isa sa mga ipinunto ni Raffy Tulfo ay kung bakit pinahihirapan ng ilang ahensya ng pamahalaan, partikular na ng Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH), na makapasok sa bansa ang mga gamot na mainam na pangontra sa COVID-19 na mabibili lang sa murang halaga tulad ng Lianhua Qingwen mula sa China at ang Ivermectin.

Samantalang ang Remdesevir (P18,000 kada turok, 2x a day = P36,000 a day) at ang Tocilizumab na P38,000 per injection ang halaga ay agad naaprubahan.

Screenshot mula sa Raffy Tulfo in Action video

Hinala ni Raffy Tulfo, kapag umano pinahintulutan ang affordable na Lianhua Qingwen at Ivermectin ay marami ang mawawalan ng “kita.”

Panoorin ang buong pagsisiwalat ni Raffy Tulfo tungkol sa diumano ay pangungurakot na nagaganap sa DOH at FDA:

Source :

YouTube

Loading…