Hamon ni Robin, kinasahan ng AFP colonel; ‘Bad Boy’ biglang kumambiyo at nag-sorry

  • Hinamon ni Robin ang ilang personalidad na sumama sa kaniya para sugurin ang West PH Sea
  • Kinasahan naman ito ng isang colonel sa AFP
  • Napilitang mag-sorry ang aktor matapos makatikim ng ‘lecture’ mula sa opisyal

Kinasahan ng isang colonel ang hamon ni Robin Padilla sa social media matapos makatikim rin ng ‘lecture’ ang tinaguriang ‘Bad Boy’ ng local entertainment mula sa AFP official.

Magugunitang hinamon ni Robin sa Facebook ang mga opposition senators at personalities na bumabatikos sa ‘kawalang aksyon’ umano ng kasalukuyang administrasyon sa usapin ng West Philippine Sea.

Screenshot mula sa Facebook video/ Robin Padilla

Partikular na tinukoy ng aktor sina Senador Francis Pangilinan at Risa Hontiveros, retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at Jim Paredes na pawang hinamon niyang sumama sa kaniyang bubuuing ‘militia’ na susugod sa WPS.

“Eh, kung talaga pong matapang kayo, eh, sumama kayo sa akin. Tayo ay maging militia. Tapatan natin ‘yung militia nung mga Chinese. Pumunta tayo doon, lumayag tayo, mangisda tayo doon. Tumambay din tayo roon kasi atin ito,” ani Robin sa kaniyang Facebook video noong isang araw.

Kinasahan naman ito Col. Mike Logico, Director ng AFP Joint and Combined Training Center at dating  Battalion Commander ng Philippine Army’s 66th Infantry Battalion.

Imahe mula sa Facebook

Komento ni Col. Logico sa hamon ni Robin sa Facebook: “Call.”

Kaagad namang sumagot ang aktor ng, “Mike Logico, let’s go.”

Dito na nakatikim ng lecture si ‘Bad Boy’ mula sa AFP official. Ani Logico, “1. Get a haircut. 2. Apply for MNSA (Master in National Security Administration Program of the National Defense College of the Philippines). I will be your instructor. 3. Apply for CGSC (Command and General Staff College), one of the training units of the AFP. I will be your instructor again.”

“4. If you make it past step 3, you will have the minimum competency to become an RCDG (Regional Community Defense Group) Commander. That will put you in a better position to challenge…,” dagdag pa ng colonel.

Dahil dito, mistulang ‘lumambot’ si Robin at humingi ng paumanhin kay Logico.

Imahe mula sa Facebook

“I apologize if in any way I offended you with my video. Sir it’s too late for me to dream and become a highly trained officer like you. If destiny allows it I will just see you there in the high seas not as a foe but a civilian ally…” mahinahong komento ng aktor.

Hindi naman pinalampas ng mga netizens ang palitan ng komento ng dalawa at kaagad na kumuha ng screenshot na kumakalat na ngayon sa social media.

Hamon ni Robin Padilla:

Loading…