Health workers pinabulaanan ang sinabi ni Sec. Duque na kino-COVID test sila every two weeks

Imahe mula sa EVRMC
  • Pinabulaanan ng mga health workers ang sinabi ni Sec. Duque na isinasailalim sila sa COVID-19 testing every two weeks
  • Mariing sinabi ng Filipino Nurses United secretary general na hindi totoo ang sinabi ng kalihim
  • Sinabi ng FNU na marami sa miyembro nila ang napipilitang mag-duty kahit hindi nate-test dahil sa dami ng pasyente

Noong Lunes, April 12, ay nag-ulat si Secretary Francisco Duque III ng Department of Health kay Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing tinitiyak ng gobyerno na ligtas ang mga health workers sa pamamagitan ng regular  na COVID-19 testing sa mga ito.

Imahe mula sa PCOO

“Mr. President, iyong atin pong mga healthcare workers ay binabantayan po natin sila at ang mga ospital ay every two weeks ay tine-test po sila para nang sa ganoon ay malaman kung sila po ba ay positive. At kung may sintomas din sila ay kaagaran naman pong sila ay ina-isolate or kung positive sila at mayroon pong exposure pero walang symptoms, kina-quarantine po sila,” sabi ni Sec. Duque kay Pang. Duterte.

Ang pahayag na ito ng kalihim ay pinabulaanan ng mga health workers.

Mariing sinabi ni Jocelyn Andamo, secretary general ng Filipino Nurse United, na hindi totoo ang sinabi ng health secretary.

“Hindi po ‘yan totoo. Marami po kaming miyembro na napipilitang mag-duty kahit hindi nate-test,” pagbubunyag ni Andamo.

“Marami po kaming colleagues, members na pag nag-duty po ng 12 hours, pag hindi po nakapasok ang kanilang mga kasamahan dahil may sakit, nag-e-extend pa sila ng 16 hours. Kung minsan, 36 hours,” sabi pa niya.

Screenshot mula sa OneNews video

Narito ang ilan pang komento ng netizens at health workers sa sinabi ni Sec. Duque:

This is definitely a lie. We only get tested when we have symptoms or our colleagues have symptoms. Scheduling for RT-PCR is also a hassle. Kudos to our chief resident for doing his best to have us swabbed.

 False. My cousin who is a nurse was only tested when she was tagged as close contact.”

 “Lies! Yung ibang government employees under different departments, tested every 2 weeks kahit walang symptoms. Pero ‘yung mismong health care workers natin tested only when they have symptoms. Not every two weeks.”

Screenshot mula sa OneNews video

Loading…