Hindi makakristyano ang tanong kung paano siya mabilis na nakakuha ng kuwarto sa PGH – Harry Roque

Screenshot mula sa Facebook Live ni Sec. Roque
  • Ayaw sagutin ni Sec. Roque ang tanong kung paano niya nagawang ma-admit agad sa PGH gayong punuan ang mga pagamutan sa Metro Manila
  • Sinabi ni Sec. Roque na “un-Christian” ang tanong
  • Ang tanging sinabi ni Sec. Roque ay sa panahon umano ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang lahat ng mayroong pangangailangang medikal ay mabibigyan ng tulong

Tumanggi ang Presidential Spokesperson na si Secretary Harry Roque na sagutin ang tanong sa kanya kung paano siya mabilis na nakakuha ng kuwarto sa Philippine General Hospital (PGH) gayong punuan na ang mga pagamutan sa Metro Manila dahil sa dami ng COVID-19 patients.

Imahe mula sa OneNews

Hindi kaila sa publiko na tumatanggi na ang mga pagamutan sa Metro Manila na mag-admit ng mga pasyente dahil wala nang bakanteng kuwarto at walang available na kama. Karamihan sa mga dinadala sa pagamutan ay napipilitang umuwi na lang at ang iba naman ay sa mga tent na itinayo ng mga ospital naghihintay na ma-admit.

Nang tanungin siya kung paano siyang mabilis na na-admit sa PGH dahil sa COVID-19, sinagot ito ni Sec. Roque na hindi umano makakristyano ang tanong.

“With all due respect… I think that’s an un-Christian question,” sabi ni Sec. Roque sa mga reporters na nagtanong sa isang press briefing.

“Ang aking assurance lang, sa panahon ni President Duterte, lahat ng mayroong pangangailangang medikal, mabibigyan ng tulong,” dagdag pa niya.

Iyon  ang ikalawang beses na dapuan ng COVID-19 si Sec. Roque. Una siyang nahawahan nito noong March 15 kasunod ng pagbisita niya sa mga pagamutan para sa rollout ng COVID-19 vaccines.

Imahe mula sa Facebook account ni Sec. Harry Roque

Sa isang Facebook post noong Linggo, ika-11 ng Abril, sinabi ni Sec. Roque na maayos na ang pakiramdam niya pero hindi pa siya agad madi-discharge sa pagamutan.

“I am better after only one vial of Remdesivir and steroids. I came in at the right time since pneumonia was caught early on. Doctors won’t discharge me, though, until four more vials of Remdesivir which means I will be confined until Thursday,” aniya.

Paglabas niya sa PGH ay ililipat umano siya sa isang temporary treatment and monitoring facility. Pinasalamatan niya ang mga nagdasal para sa kanyang agarang paggaling.

Loading…