Ibinidang purple-themed na bahay kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang isang bahay
  • Purple-themed kasi ito at talaga namang halos lahat ng bagay at kasangkapan dito ay kulay-purple
  • Ito kasi ang paboritong kulay ng tenant, mapalad daw siya na pinayagan siya ng kasera na gawin ito

Sinasabing repleksyon ng personalidad ng may-ari o nakatira sa isang bahay ang kulay at hitsura nito. Nitong pandemya, mas nagkaroon ng maraming oras at panahon ang mga home owners upang pagandahin pa ang kanilang mga bahay, maliit man o malaki, sa pamamagitan ng DIY o Do-It-Yourself renovation.

Kagaya na lamang ng netizen na nagngangalang ‘Jeyjey Linaac’ kung saan ibinahagi niya sa Facebook page na ‘Home Buddies’ ang kanilang renovation sa inuupahang apartment: ‘walang ebidensya’ sa paborito niyang kulay, dahil lahat ng makikita rito ay kulay-purple.

Imahe mula sa Facebook account ni Jeyjey Linaac/Home Buddies

“Just want to share our small rental home. The original color of the house was a mix of red and green and we were lucky to be allowed by our Landlady to change it to my favorite color purple,” aniya.

“We just moved in here recently and ever since naging member ako dito mukhang mabubudol ako papuntang Team Kahoy but will definitely still have a touch of purple. Thank you all for sharing din mga ideas sa house and everything para sa bahay and more importantly salamat sa mga budol ninyong suggestions,” turan pa niya.

Kahit saan ka bumaling sa loob ng kanilang bahay ay may bahid o touch ng purple, magmula sa pinto, sofa, dining table, kama, at halos lahat ng gamit. Bagay na bagay itong tawaging ‘The Purple House.’

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Grabe, ayaw naman niya sa purple! Hahaha. Pero it’s very nice,” papuri naman ng isa.

Turan naman ng isa, “Kung ako ang tatanungin mo, hindi ko naman kukulayan nang ganyan ang buong bahay ko, lalo na sa kaso ko na dilaw and orange ang favorite colors ko. Anyway, pinayagan naman daw siya ng landlady so let them be happy na lang. Congratulations!”

Imahe mula sa Facebook account ni Jeyjey Linaac/Home Buddies

“Hindi po ba kayo naduduling sa shade ng purple ninyo? Suggestion lang, you might want to add neutral colors para hindi sobrang powerful ng purple. Anyway, bahay ninyo ‘yan. Congrats po!” wika naman ng isa.

Pinayagan naman siya ng kaniyang kasera o landlady upang gawin ito kaya wala namang problema.

Loading…