Ice candy na sinigang flavor kinaaliwan

  • Nakakita o nakatikim ka na ba ng ice candy na ang flavor ay sinigang?
  • Iyan ang kinaaliwan ng mga netizens sa social media
  • Hindi naman tiyak kung talaga bang ginawang ice candy ito

Sa panahong napakainit, isa sa mga hinahanap-hanap ng mga tao ang pagngata ng ice candy, na mabibili lamang sa mga suking tindahan, o kahit na sinong sambahayan na may refrigerator. Iba-iba ang flavor nito—may chocolate, mangga, strawberry, at iba pa. Subalit paano kung ‘sinigang’ ang flavor nito? Kakainin mo ba?

Iyan ang kumakalat sa social media, na ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang ‘Andreana Del Rosario.’ Makikita ang larawan ng dalawang ice candy na ang nakalagay ay sabaw mula sa sinigang. Ang sinigang ay isang uri ng ulam na may maasim na sabaw, na tipikal na pagkain ng mga Pilipino.

Imahe mula sa Facebook page ni Andreana Del Rosario / Public Domain Image

“For sale ice candy, sinigang flavor hindi tinipid sa ingredients,” pabirong caption ng post.

Naki-good vibes naman ang mga netizen sa post na ito.

“Wow, masubukan nga, for a change lang hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Baka naman hindi ice candy iyan, ganyan lang talaga ang pagkakabalot. Tantiya ko, baka naman itinakas lang yung sabay tapos sa ganyang plastik inilagay hahaha. Pero it made my day huh.”

“Sana may siling berde na maanghang din para kompletos rekados,” saad naman ng isa.

Kung ang mga Amerikano ay may  popsicles, ang mga Malaysians ay may potong, ang mga Pilipino naman ay may ice candy. masa masarap ang ice candy kapag ito ay nagyelo na. Karaniwang sangkap nito ang prutas, beans, asukal, at gatas. Maaari ding magdagdag ng food color. Inilalagay ito sa isang maliit na plastic bag.

Paano nga ba gumawa ng ice candy?

Paghaluin ang mga sangkap gaya ng flavor, evaporated milk, condensed milk, at asukal. Kapag nahalo na itong mabuti, kunin maliliit na plastic bag. Kunin ang embudo o funnel upang mailagay ang pinaghalo-halong mga sangkap. Ilagay ito sa freezer ng refrigerator, o kung wala naman, sa isang lalagyanan na punumpuno ng yelo.

Public Domain Image

Maghintay ng ilang oras at presto—may ice candy ka na! Maaari itong ibenta o personal na kainin kasama ang buong pamilya.

Source :

Facebook

Loading…