Ilang turista ‘nagpapa-power tripping’ makapasok lang sa kanilang destinasyon – Puyat

Imahe mula sa My Boracay Guide
  • Nagpapa-power tripping daw ang ibang turistang nasisita ng mga bantay ng LGUs
  • Ang iba ay sinisigaw-sigawan pa umano ang mga naninita sa kanilang bantay
  • Dapat umanong isipin ng mga travellers ang kanilang responsibilidad hindi lang sa sarili kung hindi sa komunidad na pupuntahan

Nagagalit at nagpapa-power tripping pa umano ang ibang turista kapag sinisita ng mga nagbabantay na kawani ng LGUs bago makapasok sa kanilang mga destinasyon, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Puyat na may mga nakararating na kuwento sa kaniya galing sa mga LGUs kung saan sinisigawan pa raw ng mga turista ang mga bantay kapag tumanggi ang mga ito na papasukin sila sa mga tourist spots.

Sec. Puyat| Screenshot mula sa ABS-CBN News video

“Ang sinabi rin namin sa LGU, kung may doubt kayo sa veracity ng RT-PCR nila, wag ninyo papasukin. Kasi sabi nila minsan daw e sinisigawan sila, etcetera, yung typical nagpo-power trip,” bahagi ni Puyat.

Subalit pinayuhan niya umano ang mga LGUs na huwag pa rin silang papayag na makapasok ang mga ganitong uri ng turista dahil baka maging sanhi pa sila ng hawahan ng COVID at maging ‘superspreader’ pa sa lugar.

Binigyang-diin din ng kalihim ang responsbilidad ng bawat turista o mga manlalakbay hindi lamang sa kanilang sarili at kasamahan kung hindi maging sa komunidad na kanilang pupuntahan.

Ito ay matapos mapaulat noong Enero ang tungkol sa anim na turistang nameke ng kanilang swab test result makapasok lamang sa isla ng Boracay.

Imahe mula sa Panay News

Ayon kay Puyat, sinampahan na nila ng kaukulang reklamo ang mga nabanggit na travellers.

“Napaka-iresponsable talaga. Alam naman nilang positive sila. When you talk about COVID, your responsibility is not only yourself but for others na alam naman nilang positive sila, pumunta pa rin sila?” ayon sa opisyal.

Kailangan daw isipin din ng mga turista ang hindi lamang ang kanilang sarili kung hindi ang ibang tao dahil ang COVID-19 ay responsibildad ng lahat lalo pa na ngayon pa lang unti-unting bumabangon ang industriya ng turismo sa bansa.

Source :

Inquirer, Remate

Loading…