Ina, bagong silang na anak, tinamaan ng COVID-19; asawa, yumao habang nagpapagaling ang mag-ina

Imahe mula sa Facebook | Marlito Ocon
  • Labis na naapektuhan ng COVID-19 ang isang pamilya matapos silang tamaan ng virus
  • Nagpositibo sa COVID ang ina at ang kaniyang bagong silang na anak
  • Habang nagpapagaling ang mag-ina ay binawian naman ng buhay ang ama sa bahay

Ibinahagi ng isang pari kung paano nabago ng COVID-19 ang buhay ng batang mag-asawa na nagsisimula pa lamang bumuo ng pamilya.

Imahe mula sa Facebook | Marlito Ocon

Kuwento ni Philippine General Hospital (PGH) head chaplain Fr. Marlito Ocon sa isang post sa Facebook, dinala ng isang batang ina ang kaniyang sarili sa emergency room nang magsimula siyang mag-labor dahil nakararanas ng sintomas ng COVID-19 ang kaniyang asawa.

Matapos manganak ay napag-alamang positibo sa COVID ang ina at ang kaniyang bagong silang na anak. “While she and her baby were still fighting and struggling for life, news broke out that her husband died of COVID at home. What a tragedy!” ani Fr. Lito.

Bago ma-discharge ay nakausap ni Fr. Lito ang batang ina at naglabas ito sa kaniya ng saloobin.

Imahe mula sa Facebook | Marlito Ocon

“Sabi niya, ‘Ang lungkot, Father. Wala na akong asawang mauwian, abo na ang asawa ko. Di man lang kami nagkausap, di ko man lang maibalita na may 2nd baby na kami. Di man lang sila nagkita ng anak namin,’” pagbabahagi ni Fr. Lito.

Hindi raw nakasagot ang pari dahil hindi niya alam kung paano ipaliliwanag ang nangyari sa ina.

“I have no words because I know that any word/s can’t explain enough why horrible things like this happened,” ani Fr. Lito.

Ngunit napagtanto niya raw na sa mga ganitong pagkakataon ay mas nangungusap daw ang pananampalataya.

“But I realized that it is in our deep, deep silence and it is when we run out of words, and when theology can’t explain enough, that our faith can speak louder. Be strong, and keep your faith stronger!”

Source :

Facebook

Loading…