Inidorong tila ‘lagusan ng UFO’ kinaaliwan

  • Kinaaliwan ang kakaibang umiilaw na inidoro ng isang netizen
  • Pabiro niyang banat, parang ito na raw ang lagusan ng UFO
  • Naihambing naman ito ng mga netizen sa isang classic Pinoy horror movie

Paano kung tinatawag ka na ni Inang Kalikasan at ihing-ihi o duming-dumi ka na, subalit nakita mong umilaw-ilaw ang inidoro sa palikuran? Tutuloy ka pa ba sa iyong pakay?

Kinaaliwan ng mga netizens ang Facebook post ni ‘Malinao Jayson’ sa page na Home Buddies dahil ibinahagi niya ang nabili niya umanong ilaw para sa loob ng palikuran. Nagkataon namang ikinabit niya ito malapit sa mismong inidoro. Nang buksan niya ang ilaw, kumukuti-kutitap ito at ‘natakot’ siya sa lighting effect nito sa inidoro.

Imahe mula sa Facebook account ni malinao Jayson / Lazada

“Ito yata lagusan ng mga UFO. May nabili akong ilaw kaso mukhang nakakatakot parang bigla na lang may hahatak sa ‘yo papunta sa kabilang mundo,” saad niya sa kaniyang caption.

Ibinahagi niya sa FB ang larawan at video ng inidoro na may umaandap-andap na ilaw. Ang UFO ay tumutukoy sa ‘Unidentified Flying Objects’ na naikakapit naman sa mga extra terrestials o ET (tinatawag ding aliens).

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Warm-up lang siguro ‘yan pero mukha pong uurong yung poops mo kapag ito ang nakita mo hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Lord alam ko po lahat tayo magkikita-kita diyan sa taas pero huwag naman po sana rito sa inidoro lumabas yung puting ilaw, willing po ako mag-follow sa white light huwag naman po sana rito hahaha.”

Ano nga ba ang ilaw na iyon sa inidoro? Ito ay tinatawag na Body Sensing Automatic LED Motion Sensor Night Lamp Toilet Bowl Bathroom Light.

Marami naman sa mga netizens ang nakaalala ‘Undin,’ ang kakaibang nilalang sa classic Pinoy movie na ‘Shake Rattle and Roll 3’ kung saan lumalabas sa inidoro ang naturang kakaibang nilalang, na hinahanap ang kaniyang mga itlog/anak.

“Hala, naalala ko yung Undin sa Shake Rattle and Roll III hahaha. Sa inidoro rin siya lumalabas noon. Naalala ko pa, one week yata akong hindi naka-jebs dahil sa takot sa palabas na iyon,” pagbabahagi pa ng isa.

Public Domain Image

I-click ang larawan sa ibaba upang mapanood ang video ng naturang netizen at ikaw na ang humusga:

Imahe mula sa Facebook account ni Malinao Jayson

Loading…