Ipinahatid pa ni Kap! Netizen na naabutan ng curfew imbes na hulihin ng barangay patrol, tinulungan pang makauwi

Imahe mula sa Facebook-Queen Charlotte
  • Ikinuwento ng isang netizen ang kaniyang karanasan nang maabutan ng curfew
  • Sa halip kasi na hulihin ay ipinahatid pa siya ng kapitan
  • Taliwas ang karanasang ito sa mga naunang nag-viral na kuwentong ECQ

Kamakailan ay may mga kuwento ng ECQ ang nag-viral sa social media kung saan nalagay sa negatibong spotlight ang ilang tauhan ng barangay na nagpapatupad ng curfew sa kanilang lugar.

Una rito ay ang barangay official sa Bulacan na nabatikos matapos igiit sa isang delivery rider na ang lugaw ay hindi ‘essential’. Kamakailan ay nabalita rin ang estudyante sa Quezon City na hinuli ng mga tanod dahil lumabag umano sa cufew kahit lumabas lang ito ng bahay para kunin ang delivery ng pagkain mula sa rider.

Subalit taliwas ang mga ito sa naging karanasan ng isang netizen sa Las Piñas na sa halip ipahuli ng barangay dahil naabutan ng curfew sa labas ay ipinahatid na lang sa kaniyang tirahan.

Screenshot ng Facebook post ni Queen Charlotte

Kuwento ni Queen Charlotte sa kaniyang Facebook, naabutan siya ng curfew at pasado alas-nuwebe na ng gabi nang makababa siya sa may Jolibee Molino.

Nakahanda na raw talaga siya sa mahaba-habang lakaran patungong Magdiwang nang may humintong barangay patrol car sa tabi niya. Iyon pala ay aalukin siyang isakay hanggang Jetti dahil dun lang talaga ang destinasyon ng driver.

Matapos makarating sa Jetti at makalayo na nang kaunti, muling bumalik at huminto sa tabi niya ang patrol. Ngunit sa pagkakataong ito ay iba na ang nagmamaneho.

Tinanong umano siya ng driver kung saan siya papunta at sinabi niyang hanggang ‘boundary’ lang.

Imahe mula sa Facebook-Queen Charlotte

Eto umano ang naging takbo ng kanilang usapan:

Kuya: sakay na po kayo. Wala na po masasakyan eh. Nakita po kase kayo ni Kapitan, naglalakad. Naghatid po siya pagkain eh. (Maybe sa food sa outpost. I’m not sure.)

Me: Talaga kuya? Buti di ako pinahuli ni Kap. Nasa labas ako, curfew na.

Kuya: Naku hindi po. Pinapahatid nga po kayo eh.

Sa madaling sabi ay nakauwi nang ligtas at matiwasay ang netizen at abot-abot ang pasasalamat kay Kapitan Jojo Gawaran kahit hindi na niya nakuha ang pangalan ng driver na naghatid sa kaniya.

Pahabol pa ni Queen Charlotte, “Hindi ako tinanong Kung botante ako. I was beyond amazed na pinansin ako ni Kap. Lakas ko po pala sa inyo.”

Source :

Facebook

Loading…