Isla at beach sa Daram, Samar maaaring ihanay sa Boracay at Palawan dahil sa angking ganda

  • Maliban sa Palawan at Boracay, marami pang magagandang beaches at islands sa Pilipinas
  • Kabilang dito ang Kandiwata Island at Mombon Beach sa Daram, Samar
  • Dahil dito, maraming netizens ang nais makita ang ganda ng atraksiyon na ito sa Samar

Kilala ang Pilipinas dahil sa magagandang isla at resort na maaaring puntahan. Maging ang mga taga-ibang bansa ay dumarayo pa sa Pilipinas upang makita ang mga ipinagmamalaking bakasyunan tulad ng pamosong Boracay at isa sa wonders of nature na Palawan.

Ngunit maliban sa mga ito, marami pang maipagmamalaking bakasyunan at beach ang Pilipinas na hindi pahuhuli pagdating sa kalinisan at ganda. Kabilang dito ang Kandiwata Island at Mombon Beach sa Daram, Samar na lalaban sa Boracay at Palawan sa ganda.

Larawan mula sa Facebook post ni Jake Jolacao

Sa Facebook post ni Jake Jolacao, makikita ang natural na ganda ng mga tourist spots na ito sa Samar. Pagmamalaki ng uploader, sa Daram, Samar pa lang daw ay mayroon ka nang Palawan, may Boracay pa sa mas murang halaga.

“Mala-Palawan na ganda ba kamo? Sa Samar pa lang, may Palawan ka na, may Boracay ka pa!” pagmamalaki ni Jake sa kanyang post na umani na ng libo-libong reactions, comments, at shares.

Sa halagang P599 kada tao, mae-enjoy na ang ganda ng Kandiwata Island at Mombon Beach. Talaga namang maihahanay ito sa mga sikat na resort at isla sa Pilipinas dahil mayroon itong nakamamanghang rock formation na talaga namang Instagrammable.

Mayroon din itong white sand at napakalinis na dagat. Napakaganda rin ng ayos ng mga cottage sa dalampasigan at mayroon ding mga floating cottages para sa perfect lunch buong pamilya at barkada. Kasama na rin sa babayaran ang transportation, cottage, at lunch.

Larawan mula sa Facebook post ni Jake Jolacao

At dahil umiiral pa rin ang quarantine protocols sa buong Pilipinas, paalala ni Jake sa kanyang post, sa ngayon ay hindi pa rin pinapayagan na magpunta sa nasabing atraksiyon ang mga below 15 years old at higit 65 years old.

Dahil sa ganda ng Kandiwata Island at Mombon Beach, maraming netizen ang nagta-tag na sa kani-kanilang pamilya at barkada upang sulitin ang kani-kanilang summer vacation.

Loading…