“Ivermectin pan-three” ng 2 mambabatas magpapamahagi ng Ivermectin capsules sa Quezon City

Imahe mula sa DWIZ
  • Maglulunsad ng community pantry sa Quezon City sina Rep. Mike Defensor at Rep. Rodante Marcoleta
  • Tinawag nilang “Ivermectin Pan-three” ang kanilang community pantry  
  • Bahay-bahay ang gagawing pamamahagi ng hindi bababa sa tatlong Ivermectin capsules sa bawat beneficiary
  • Kasama sa pamamahagi ang ilang  medical doctors na magbibigay ng reseta sa tatanggap ng Ivermectin capsules

Ilulunsad nina Anakkalusugan Partylist Representative Mike Defensor at SAGIP Partylist Representative Rodante Marcoleta ang sarili nilang community pantry na tinawag na “Ivermectin Pan-three” sa ika-29 ng Abril sa  Matandang Balara Hall Park, Quezon City.

Imahe mula sa News5

Layunin ng Ivermectin Pan-three na makapagpamahagi ng hindi bababa sa tatlong human-grade Ivermectin capsules na magagamit ng bawat beneficiary bilang preventive  o early treatment medicine kontra COVID-19.

Ayon sa dalawang mambabatas, ang ipamamahaging compounded Ivermectin ay galing sa Lifecore Bio-Integrative, Inc. na isang lisensyadong compounding laboratory sa Quezon City.

Mag-iikot umano sila sa iba’t ibang barangay ng lungsod. May makakasama silang mga medical doctors na magbibigay ng reseta sa mga mabibigyan nito.

Ito ang pahayag ng dalawang mambabatas sa desisyon na magpamahagi ng Ivermectin capsules:

“After the inquiries conducted by two committees of the House of Representatives where both foreign and local experts were engaged on the potential use of Ivermectin, we have decisively come to a critical decision to distribute Ivermectin to those who are in dire need of this drug.

“This grave public health emergency caused by the pandemic is technically a war that needs to be decisively confronted. In war, people protect themselves with anything in order to survive. We need to cross the line and break the glass ceilings if we must, one way or the other.

We cannot, in good conscience, sit idly by at the excuse of inflexible bureaucracy to deny our people—especially the underprivileged—their pharmaceutically- assisted moments as they struggle to breathe their last.”

Imahe mula kay Rep. Mike Defensor

Sinabi ni Defensor at Marcoleta na ang Concerned Doctors and Citizens of the Philippines o CDC PH ang katuwang nila sa pamamahagi ng Ivermectin capsules.

Kaugnay nito, ang Food and Drug Administration ay nag-isyu ng compassionate use permit sa limang pagamutan upang gumamit ng Ivermectin para sa mga COVID-19 patients.

 

Source :

Tribune, Inquirer

Loading…