JK Labajo pinapurihan si Baron Geisler: “Ang bait ni Bro Baron Geisler”

Image by JK Labajo via IG
  • Kabaitan ni Baron Geisler, pinapurihan ni JK Labajo
  • Ani JK, huwag agad manghusga ng tao lalo na kung hindi alam ang buong kuwento
  • Saad pa nito, “Katulad nga ng napakalumang kasabihan na ‘Alamin muna ang buong istorya bago magsampa'”

Pinapurihan ng singer at songwriter na si JK Labajo ang kabaitan ng aktor na si Baron Geisler; kasabay nito ang pagsabing huwag agad manghusga ng kapwa tao lalo na kung hindi alam ang buong kuwento.

Image by JK Labajo via IG

Nitong Linggo ay nag-post si JK ng larawan kasama si Baron. Matatandaang tubong Cebu ang mang-aawit samantalang nakapag-asawa naman ng Cebuana ang huli.

Caption dito ni JK,  “People are too quick to judge other people without knowing anything about them. JK is actually a really nice guy.

“Pero seryoso ang bait ni bro Baron Geisler. People shouldn’t be too quick to judge especially by just basing it off of whatever they see on the internet. Katulad nga ng napaka lumang kasabihan na ‘Alamin muna ang buong storya bago magsampa.'”

Pagpapatuloy pa ng “Buwan” singer, matatanggap mo umano kung ano ang iyong ipinapakita sa kapwa. Kagaya aniya ng pagiging mabait ay makatatanggap ng kabaitan mula sa iba, gayundin daw sa respeto at pagmamahal.

Makailan ding nasangkot sa kontrobersiya noon ang aktor na si Baron pero nagbago na ito. Sa panayam kasama si Toni Gonzaga, isinaad nito na ang pinakamalaking pinagsisisihan nito ay hindi na nasaksihan ng kanyang ina ang kanyang pagbabagong buhay.

Pahayag niya, “My dream kasi noong time na ‘yun was for my mom to see me clean. But a lot people are saying naman na… ang dami naman na nagsasabi ngayon na, ‘She’s proud of you now.'”

Image by Baron Geisler via IG

Pag-amin niya, ang kanyang pagbabago ay ginawa niya para sa sarili yamang papaano umano niya mapamumunuan ang kanyang pamilya kung hindi pa siya handa at buo kaya’t kailangan niyang maging matatag lalo na sa temptasyon.

“As we grow older, we evolve and hopefully we evolve for the better. I want to evolve to become a really, really good leader, a respectable man,” ani Baron.

Image by Baron Geisler via IG

Loading…