Joshua Garcia tamad raw mag-workshop noong baguhan, ayon sa isang direktor; magiging leading man daw ni Darna

  • Ayon sa isang direktor, tamad raw mag-workshop si Joshua Garcia noong baguhan pa lamang
  • Nasermunan niya raw ito kaya naman sumipag na sa pagdalo ng workshops at naging magaling na aktor
  • Si Joshua rin ang sinasabing magiging leading man ni Jane de Leon sa upcoming Darna series

Hindi maitatanggi na isa si Joshua Garcia sa mga pinakamahuhusay na aktor ng kanyang henerasyon. Dahil sa ipinakikitang galing sa pag-arte sa pelikula at telebisyon, binabansagan nga siyang susunod sa yapak ni John Lloyd Cruz.

Ngunit bago maging mahusay na artista, minsan ding nabalot ng kontrobersiya ang karera ni Joshua. Kabilang na rito ang kanyang attitude noong baguhan pa lamang.

Sa isang Facebook post ng HOLA, inilahad ng isang direktor ang katamaran ni Joshua noon na dumalo sa mga acting workshops.

Larawan mula sa Facebook page ni Joshua Garcia

Ayon sa director na si Rahyan Carlos, pagkatapos ng Pinoy Big Brother: All In kung saan isa si Joshua sa mga naging housemates, ay tamad raw talagang dumalo ang aktor sa mga workshop at isa si direk Rahyan sa mga humawak kay Joshua.

Naging sakit ng ulo ng direktor ang batang si Joshua kaya nasermonan daw niya ito isang beses. Sinabi ni direk Ryan kay Joshua na kung hindi ito magiging maispag sa pagdalo sa mga acting workshop ay walang mangyayari sa karera nito.

Dahil daw sa nangyari, mukhang natauhan naman si Joshua. Simula raw noon ay sumipag na itong mag-workshop at unti-unti ay nailabas nito ang angking galing sa pag-arte at nakamit ang tagumpay na mayroon siya ngayon.

Paglalahad pa ng direktor na isa sa mga nangunguna sa Star Magic workshops, ngayon daw ay mismong si Joshua na ang nagre-request ng workshop lalo na kung mayroon siyang bagong proyekto sa telebisyon man o pelikula.

Larawan mula sa Facebook page ni Jane de Leon

Sa post din ng HOLA, sinabi nilang nadulas na si Direk Rahyan sa magigig partisipasyon ni Joshua sa gagawing Darna series ng Kapamilya network. Malakas tuloy ang bali-balitang si Joshua na nga ang magiging leading man ni Jane de Leon sa nasabing proyekto.

Gayunman, hindi pa rin tiyak kung kailan sisimulan ang Darna series dahil kabilang pa rin si Jane sa teleseryeng Ang Probinsyano.

Source :

Facebook, MSN

Loading…