Jukebox King Victor Wood namaalam na dahil sa komplikasyon sa COVID-19

Imahe mula sa Facebook
  • Pumanaw na sa edad na 74 ang tinaguriang Jukebox King of the Philippines, Tom Jones of the Philippines at Plaka King na si Victor Wood dahil sa COVID-19
  • Isinugod siya sa pagamutan dahil sa asthma, subalit nagpositibo siya sa COVID at biglang bumaba ang kanyang oxygen level
  • Bukod sa pagiging mahusay na mang-aawit, isa ring artista si Victor Wood at kabilang sa mga naging leading lady niya si Nora Aunor at Vilma Santos

Kinumpirma ng kanyang mga kaanak na ang tinaguriang Jukebox King of the Philippines, Tom Jones of the Philippines at Plaka King noong 1970s na si Victor Wood, sa edad na 74, ay hindi nakarekober dahil sa komplikasyon sa COVID-19 dakong alas-nuwebe ng umaga nitong Biyernes, ika-23 ng Abril.

Imahe mula kay Maria Testado

Ayon sa Balitambayan, sinabi umano ng maybahay ni Victor Wood na si Nerissa na dinala sa New Era General Hospital sa Quezon City ang batikang singer dahil sa asthma, subalit matapos isailalim sa COVID-19 test ay nadiskubreng positibo ito sa naturang karamdaman at mayroon ding pneumonia.

Kinailangan pang ma-intubate si Victor Wood dahil bumagsak ang kanyang oxygen level.

“Bumaba ang oxygen level niya last night,” sabi ni Nerissa.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng nagmamahal kay Victor Wood, at sa pamamahala ng INC para sa amin. Sa mga kaibigan na laging andyan at sa mga anak niya na kahit malayo ay karamay ko at sa mga fans, salamat sa walang sawang suporta. Nawala man siya, mananatili ang kanyang mga kanta,” sabi pa ng maybahay ni Victor Wood.

Nagpahayag rin sa social media  ng mensahe ang kapatid ng singer na si Maria Testado.

Imahe mula kay Maria Testado

“Goodbye my ever dearest youngest brother, Victor Wood Jukebox King. We love you so much. We will never forget you. Your memories will remain in our hearts and our minds forever. May your soul rest inpeace with the Lord in heaven.”

Bukod sa pagiging mahusay na mang-aawit, isa ring artista si Victor Wood. Kabilang sa mga naging leading lady niya si Nora Aunor at si Vilma Santos.

Loading…