K Brosas nagka-COVID-19, ipinaalala ang kahalagahan ng social responsibility

  • Ibinunyag ni K Brosas na nagka-COVID-19 siya
  • Sumailalim siya sa 17 na araw ng isolation, kasama ang kaniyang assistant, na nagpositibo rin
  • Negatibo na ang resulta ng kaniyang swab test

Walang pinalalagpas angbagsik ng COVID-19. Mapa-karaniwang tao, sikat na politiko o celebrity, tinatamaan din ito. Isa na riyan ang komedyante at host na si K Brosas.

Sa kaniyang mga social media platforms gaya ng Twitter at Facebook, ipinaalam ni K Brosas sa publiko na nagkaroon siya ng COVID-19, subalit napagtagumpayan na niya ito. Negatibo na siya ayon sa resulta ng huling swab test niya, matapos ang isolation sa kaniyang condo. Kasama niyang na-infect ang kaniyang assistant, na negatibo na rin.

Imahe mula sa Twitter/Facebook account ni K Brosas

“After 17 days of isolation, thank you Lord negative na! Yes, naka-COVID ako, mild symptoms lang pero iba po yung mental torture o praning feels… buti sanay ako mag-isa hehe pero iba rin yung ang daming stress tapos dumagdag pa to at nag-ECQ ulit, buti na lang din walang taping at work muna para sa safety ng lahat,” saad ni K.

Kahit sanay naman daw sa pag-iisa si K, hindi pa rin niya maiwasang hindi makaramdam ng stress, lalo na’t hindi niya magawa ang mga bagay na nakasanayan na niya, gaya ng pagluluto. Iniisip na lamang niya na kahit paano, mild symptoms lamang ang mga naramdaman niya. Mabuti na lamang din at negatibo ang kaniyang anak, driver, at kasama sa bahay.

Kaya naman, masasabi na niya talagang walang halos ‘echos’ na seryosohin ang COVID-19 dahil hindi ito biro-biro lamang. Kailangan daw magdoble ingat ang lahat, hindi lamang para sa sarili, kundi para na rin sa mga kapamilya, kaanak, at iba pang taong nakakasalamuha. Pagtibayin daw ang social responsibility.

 “Anyway, hindi po biro itong virus na ‘to, doble ingat, kung malakas katawan mo o tingin mo kakayanin mo, isipin mo yung mga di kakayanin na mahahawa mo… social responsibility na lang, at huwag kalimutan na yung mental health mo apektado sobra.”

Imahe mula sa Instagram account ni K Brosas

“Salamat sa Diyos na kahit ano pa man nangyari sa akin, mas pinalakas ako at patuloy na lumalaban lang!” saad pa niya.

Inamin din niya na sa sobrang pagkabahala niya sa nangyari sa kaniya, nag-record siya ng video ng kaniyang huling habilin.

Noong 2020, nagpositibo naman sa COVID-19 ang kaniyang kapatid at ina na nasa bansang Italy.

Mabuti na lamang at hindi pa muna bumabalik sa live ang Lunch Out Loud, ang kinabibilangan niyang noontime show sa TV5, upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Loading…