Kakulangan ng physical activity maaaring magresulta sa severe COVID-19

Screenshot mula sa 24 Oras video
  • Mga taong may sedentary lifestyle ang karamihan sa nagkakaroon ng severe symptoms ng COVID-19
  • Ang kawalan umano ng physical activity ang pinakamalakas na risk factor kumpara sa ibang risk factors tulad ng obesity, smoking at hypertension
  • Ngayong maraming mga restriksyong ipinatutupad, posible pa rin na makapag-ehersisyo kahit sa loob lang ng bahay, ayon sa isang conditioning coach at fitness trainer

Batay sa pag-aaral na nailathala sa British Journal of Sports Medicine, ang kawalan ng physical activity ay maaaring magresulta sa severe COVID-19 symptoms.

Screenshot mula sa 24 Oras video

Sa nasabing pag-aaral, ang mga pasyente umano na dalawang taon na “consistently inactive” bago nagka-pandemic ay may mas malaking tsansa na magkaroon ng grabeng sintomas ng COVID-19 kapag dinapuan nito.

“They had a greater risk of hospitalization, admission to the ICU, and death due to COVID-19 than patients who were consistently meeting physical activity guidelines,” saad ng naturang research patungkol sa mga taong may sedentary lifestyle.

“Physical inactivity is associated with a higher risk for severe COVID-19 outcomes,” ayon pa sa pag-aaral.

Binanggit ng British Journal of Sports Medicine ang isinasaad ng  US Physical Activity Guidelines na ang mga adults ay dapat daw na mayroong 150 minutes ng physical activities kada isang linggo.

Ang kawalan umano ng physical activity ang pinakamalakas na risk factor kumpara sa ibang risk factors tulad ng obesity, smoking  at hypertension.

Screenshot mula sa 24 Oras video

Sa Pilipinas ay wala pang ganitong pag-aaral, pero sinabi ng isang eksperto sa infectious diseases na ang hindi pag-eehersisyo ay maaring magresulta sa pagkakaroon ng comorbidity na lalong nagpapalala sa COVID-19.

“We have data na ang sedentary will lead to hypertension, obesity, and coronary artery disease. Then kung meron kang family history of diabetes, that can also lead to diabetes,” sabi ni  Dr. Rontgene Solante.

Aniya, importante ang regular na ehersisyo.

Screenshot mula sa YouTube video

Ngayong maraming mga restriksyong ipinatutupad, posible pa rin na makapag-ehersisyo kahit sa loob lang ng bahay, ayon sa isang conditioning coach at fitness trainer. Hindi naman daw kailangan ng malaking espasyo para sa pag-eehersisyo.

Source :

GMA , YouTube

Loading…