Kilalanin: Viral doctors sa TikTok na nagbabahagi ng mahahalagang impormasyong pangkalusugan

Screenshot mula sa TikTok
  • Lalong naging popular sa bansa ang TikTok nang magsimula ang lockdown noong nakaraang taon
  • Maraming Pinoy netizens ang nag-TikTok pang-alis ng inip dahil sa mahabang community quarantine
  • May ilang doktor ang viral sa TikTok dahil bukod sa pagsasayaw ay nagbabahagi rin sila ng mahahalagang impormasyong pangkalusugan

Patok sa maraming Pinoy ang TikTok, isang video-sharing social media platform mula sa China na sinimulan noong 2016, dahil simple lang itong gamitin. Hindi na kailangan pang maging mahusay sa video editing para mag-viral ang content.

Imahe mula sa Pixabay

Karamihan ng mga TikTok trends ay madali lang gawin tulad ng pagsasayaw, re-enactment ng eksena sa pelikula o kaya naman ay pagli-lipsynch ng mga kanta.

Kahit ano ay puwedeng gawin sa TikTok, na lalong naging popular sa bansa nang magsimula ang lockdown noong nakaraang taon. Maraming Pinoy netizens ang nag-TikTok pang-alis ng inip dahil sa mahabang community quarantine. Marami na rin sa kanila ang sikat na at may napakaraming followers.

Kabilang sa mga viral TikTokers ay ang ilang doktor na humakot ng maraming followers hindi lang dahil sa pagsasayaw at taglay na kagandahan o kakisigan kundi dahil din sa ibinabahagi nilang mahahalagang impormasyong pangkalusugan.

Si Dr. Hanz Sandoval, isang dentista, ay mayroong 400,000 followers. Bata pa lang ay sumasayaw na siya kaya madali na lang sa kanya ang pagsasayaw sa TikTok. Pero hindi lang ang husay ng dance moves at kagwapuhan niya ang umakit sa mga netizens. Isinasabay niya sa pagsasayaw ang pagbibigay ng dental tips.

Screenshot mula sa GMA video

Si Dr. Krizelle Luna naman na bukod sa pagiging isang medical post-graduate intern ay isa rin palang part timer na modelo. Tinatalakay naman niya sa  mga TikTok video niya ang sensitibong topics tungkol sa reproduction health.

Aniya, sinasagot niya ang mga maseselang katanungan na hindi karaniwang pinag-uusapan ng publiko tungkol sa reproduction health. Ilan sa mga TikTok videos niya ang humakot na ng milyun-milyong views. Ang followers niya ay umabot na sa 3.2 million.

Screenshot mula sa TikTok video ni Dr. Krizzle Luna

Mayroon namang 140,000 followers si Dr. Rodrigo Capahi. Nagsimula raw siyang mag-TikTok nang mapanood si DJ Loonyo. Na-inspire daw siyang ituloy ang pagti-TikTok dahil maganda naman daw ang response ng mga viewers sa ginagawa niya.

Ipinapakita niya sa mga video niya ang ginagawang workouts upang mapanatili ang magandang physique. Iyon ay upang magbigay  ng inspirasyon sa iba.

Screenshot mula sa GMA video

“As a doctor kasi, my goal is not just to treat disease but also to prevent it…I want to serve as the best advocate for health I can possibly be, one who leads by example,” paliwanag niya.

Bukod sa exercise routines, nagbabahagi rin siya ng impormasyon kung paano mapapangalagaan ang ating kidney.

Source :

YouTube

Loading…