Kimchi nakatutulong para maibsan ang mga sintomas ng COVID-19

Screenshot mula sa KMJS video
  • Naiibsan ng kimchi ang mga sintomas ng COVID-19, ayon sa pag-aaral
  • Naobserbahan ng Korean-French research team ang kaunting bilang ng mga nasasawi sa COVID-19 sa mga east Asian countries kabilang ang Korea at sub-Saharan African countries
  • Ang mga mamamayan umano sa mga naturang bansa ay malakas komunsumo ng mga binurong gulay tulad ng kimchi at iba’t ibang spices

Isang grupo ng mga researchers ang nagsabing nakatutulong ang kimchi, isang traditional side dish sa Korea, upang maibsan ang mga sintomas ng COVID-19.

Imahe mula sa WiKim

“Various nutrients contained in primary materials of kimchi, such as cabbage, red pepper and garlic, control the antioxidant system in the human body, blocking the nerve channels that perceive Covid-19 symptoms to alleviate them,” ayon sa World Institute of Kimchi (WiKim).”

Katuwang ng WiKim sa isinagawang research ang isang French Team na pinangunahan ni Jean Bousquet, isang professor emeritus sa University of Montpellier.

Sa ginawang pag-aaral, naobserbahan ng Korean-French research team ang kaunting bilang ng mga nasasawi sa COVID-19 sa mga east Asian countries kabilang ang Korea at sub-Saharan African countries.

Ang mga mamamayan umano sa mga naturang bansa ay malakas kumonsumo ng mga binurong gulay tulad ng kimchi at iba’t ibang spices.

Ayon sa mga researchers, ang kimchi ay nagtataglay ng maraming nutrients tulad ng sulforaphane mula sa cabbage, allicin sa bawang, capsaicin sa red pepper, gingerol sa luya, at lactobacillus na resulta ng fermenting process.

Ang mga naturang nutrients ay may interaksyon umano sa Nrf2 (Nuclear factor erythroid 2-related factor 2), isang antioxidant system sa katawan ng tao, kaya naiibsan ang masamang epekto ng coronavirus.

Screenshot mula sa KMJS video

“Kimchi is rich in antioxidants and can be an effective food for alleviating coronavirus symptoms thanks to its effects in reducing TRP activity. Korea’s low rate of Covid-19 deaths and severe patients could be attributed to kimchi,” pahayag ni Professor Bousquet.

Ayon kay Choi Hak-jong, acting general manager ng WiKim, ilang Korean researchers na nagsagawa ng pag-aaral sa mga hayop ang nagkumpirma na mainam nga ang kimchi bilang pangontra sa mga sintomas ng COVID-19

Loading…