Konsehal na naglagay ng pangalan niya sa “community pantry” tinawag na oportunista at trapo

Screenshot mula sa Facebook post ni Councilor Vince Hernandez
  • Community pantry na itinayo ng isang city councilor sa Caloocan, binatikos
  • Sabi ng netizens mas malaki pa ang tarpaulin na  may pangalan ng konsehal kaysa sa mesa ng pantry
  • Tinawag pa ng ilan na oportunista at trapo ang city councilor

Habang patuloy ang pagsusulputan ng community pantry sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang pagpapakita ng pagtutulungan ng mga tao sa komunidad sa gitna ng pandemya, isang community pantry sa Caloocan City ang hindi nagustuhan ng mga netizens.

Screenshot ng Facebook post ni Councilor Vince Hernandez

May pangalan kasi ito ng isang city councilor.

Makikita sa larawan na ipinost ni Caloocan City Councilor Vince Hernandez, na ngayon ay deleted na, ang ipinatayo niyang communtiy pantry na inspired umano sa orihinal na Maginhawa community pantry sa Quezon City.

Ito ang mababasa sa tarpaulin sa nasabing community pantry sa Caloocan City: “Bagumbong Community Pantry mula sa masa , para sa masa. Inspired by Maginhawa community pantry.”

Mababasa rin ang “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan” at ang hashtag sa dulo na #conVINCEd.

Ang hindi nagustuhan ng mga social media users ay ang malaking pangalan ni Councilor Vince Hernandez.

Ayon sa isang netizen, mas malapad pa raw ang tarpaulin na may pangalan ng konsehal kaysa sa mismong mesa ng pantry.

 Mas malapad pa yung tarp nya kesa sa actual na mesa. Ew.”

Pinaratangan naman ng isang netizen na oportunista ang konsehal at may pahabol din itong hashtag.

Mula sa masa, tungo sa masa pero may pagpaskil ng pangalan at pahashtag pa? Mga oportunista nga naman. #WereNotConvinced.”

Screenshot ng FB post ng netizen

 Isa namang netizen ang nag-suggest na kung gusto ng konsehal na ilagay ang pangalan niya ay dapat daw iyong tawagin na “Vince Hernandez Pantry” at hindi  “community pantry.”

Vince Hernandez, , community pantry ‘yan. Ibig sabihin, initiative ng komunidad. Magbibigay ang komunidad at kukuha rin sila. Kung gusto mong ilagay ang pangalan mo, wag mong tawaging community pantry. Vince Hernandez Pantry is most appropriate. ‘Wag naman ganyan. Trapong trapo naman ‘yang ganyan. May pa-hashtag ka pa talaga, Konsi?!”

Screenshot ng FB post ng netizen

Loading…