Kris Aquino handang tanggapin anuman ang gender orientation ni Bimby

Screenshot mula sa video ni Kris Aquino
  • Handang tanggapin ni Kris Aquino si Bimby sakaling ‘gay’ ang anak
  • Tiniyak naman ni Bimby na straight siya
  • Sinabi pa ni Bimby na hindi siya naaapektuhan ng mga nagsasabing “gay” siya dahil kilala nya ang kanyang sarili

Nagkaroon ng heart-to-heart conversation si Kris Aquino sa bunsong anak na si Bimby sa ika-14 na kaarawan nito noong April 19.

Screenshot mula sa video ni Kris Aquino

Nagkasundo ang mag-ina na tatanungin nila ang isa’t isa na kailangang sagutin nang buong katapatan. Una nang ibinahagi ni Kris ang pagtatanong sa kanya ng anak kabilang ang tanong na “What did you think when you married my dad?”

Sa isa pang video na ibinahagi niya sa Instagram noong Biyernes, April 23, ay si Bimby naman ang tinanong niya. Isa sa mga tanong niya ay ang tungkol sa mga sinasabi ng mga netizens tungkol sa gender orientation ng anak.

Tinanong niya si Bimby kung ano ang nararamdaman kapag nababasa ang mga komento na nagsasabing isa siyang “gay.”

“How do you feel, honestly, when you read those comments and they say you’re gay?” tanong ni Kris kay Bimby.

“Wala. I don’t really feel anything. I just feel like, sige, if you think I’m gay, alright, dude. But you do realize na the gay community sa Philippines is a strong community,” diretsong sagot ni Bimby.

Screenshot mula sa video ni Kris Aquino

“It didn’t go through my mind. Cause I know what I am. I’m as straight as an arrow,” sabi pa niya.

“Are you sure,” balik na tanong naman ni Kris na sinagot ng “yes” ni Bimby.

Sabi  pa ni Kris anuman si Bimby ay tatanggapin niya.

“Whatever you are, I’ll accept,” na muling sinagot ni Bimby na straight siya.

Screenshot mula sa video ni Kris Aquino

“Here lang, ha. I’ll set the record straight. I’m straight. I love women. I don’t like boys,” giit ni Bimby.

Sabi niya, nirerespeto niya ang opinyon ng iba tungkol sa kanya. Kahit umano may iba-ibang opinyon ang mga tao basta may respeto sa isa’t isa ay okay sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Source :

Instagram

Loading…