Kyline Alcantara sinariwa ang mga panahon ng pagiging ‘ekstra’ niya

  • Isinalaysay ni Kyline Alcantara ang kaniyang mga pinagdaanan noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz
  • Naging ekstra o talent/bit player muna siya bago nakilala at nagbigyan ng mga malalaking papel
  • Lalo siyang sumikat nang lumipat siya GMA Kapuso Network

Isa si Kyline Alcantara sa mga pinakasikat na teen star at promising star ng GMA Network, na talaga namang hindi nawawalan ng proyekto simula nang lumipat siya mula sa dating home network.

Isinalaysay ni Kyline na nagsimula siya bilang ekstra o bit player, at hindi naging madali ang kaniyang pinagdaanan upang makapasok lamang sa showbiz. Naranasan daw niya ang iba’t ibang uri ng pamamahiya mula sa mga direktor noong nagsisimula pa lamang siya. Dumalo siya sa virtual press con ng ‘I Can See You: #Future.’

Public Domain Image

Walong taong gulang lang daw si Kyline noon, subalit tinarayan at pinagalitan daw siya dahil hindi niya makuha-kuha ang mga linyahan sa isanga acting project. Nahusgahan pa raw siya dahil sa pagiging’ probinsyana’ niya. Nagmula siya sa lalawigan ng Bicol at lumuwas sa Maynila upang magbaka-sakali.

Dumating daw sa punto na pati ang kaniyang nanay ay napapahiya na rin ng direktor. Nang tanungin si Kyline kung sino ang direktor na ito, tumanggi siyang pangalanan ito.

Subalit hindi raw siya nagsisisi dahil ito raw ang ginamit niyang inspirasyon upang mapabuti pa ang kaniyang sarili lalo na sa larangan ng pag-arte, na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya.

Pitong taong gulang siya nang magpasya ang kanyang ina na lumuwas ng Maynila sakay lamang ng isang truck mula sa Bicol para samahan siya sa mga audition upang maging artista.

Taong 2010, lumahok si Kyline sa ABS-CBN reality talent search na Star Circle Quest for the Next Kiddie Superstar.

Marami siyang ginampanang bit roles bago siya nakilala bilang batang kontrabida sa ABS-CBN  afternoon series na ‘Annaliza,’ noong 2013 hanggang 2014.  Sampung taong gulang na siya noon.

Public Domain Image

Lumipat siya sa GMA Network noong Oktubre 2017, at napanood sa prime-time series na ‘Kambal Karibal.’ Masasabing dito na mas nakilala si Kyline, at isa na ngayon sa mga pambato ng Kapuso Network. Bumida pa siya sa mga Kapuso series na Inagaw Na Bituin (2019) at Bilangin Ang Bituin sa Langit (2021).

Source :

Facebook, PEP

Loading…