Lacson sa Palasyo: “Sana huling larong ‘hide-and-seek’ na ito ng Pangulo”

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Bong Go
  • Umaasa si Lacson an hindi na mauulit ang ‘pagtatago’ ni Pangulong Duterte
  • Marami raw kasi ang nag-aalala sa kalusugan ng presidente kabilang na si VP Robredo
  • Samantala, lumabas din sa SWS survey kamakailan na nas 65% ng mga Pinoy ang naniniwalang isang pampublikong usapin ang kalusugan ng Pangulo

Umaasa si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na hindi na mauulit ang ‘pagkawala’ ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo pa’t marami daw ang nag-alala sa kaniyang kalusugan.

Ginawa ni Lacson ang naturang pahayag ilang oras matapos muling magpakita sa publiko si Duterte Lunes nang gabi para sa kaniyang lingguhang ‘Talk to the People’.

Screenshot mula sa RTVM video

“Sinadya daw niya. Sana, huling larong ‘hide-and-seek’ na ito ng Pangulo kasi maraming nag-aalala,” ani Lacson sa isang tweet nitong Martes.

Magugunitang sinabi ni Duterte na talagang sinadya niya ang biglang ‘pagkawala’ bilang sagot umano sa mga kritiko na ‘nangangantiyaw’ at naghahanap sa kaniya.

BASAHIN: Duterte sa kaniyang ‘pagkawala’ nang ilang araw: “Talagang sinadya ko ‘yun”

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Bong Go

Ito ay matapos lumabas ang mga haka-haka tungkol sa tunay na kalagayan ng kalusugan ng 76-anyos na presidente lalo pa’t hindi ito nagpakita sa madla sa loob ng halos dalawang linggo. Ito ay maliban sa mga larawang ibinahagi ni Sen. Bong Go bilang patunay na malusog si Duterte at nagtatrabaho lamang ito sa Malakanyang.

Ayon naman kay Lacson, ang kalusugan ng Pangulo ng bansa ay dapat maging ‘concern’ ng bawat mamamayang Pilipino; isang usapin na maging si VP Leni Robredo ay nagpahayag din umano ng pag-aalala.

“That said, the health condition of any sitting president should be the concern of every Filipino. Even VP Leni Robredo had the moral decency to say that she was praying for him,” dagdag pa ni Lacson.

Screenshot mula sa Twitter

Lumabas din kamakailan sa survey ng Social Weather Station (SWS) na nasa 65 porsiyento ng mga Pinoy ang naniniwalang ang tunay na kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Duterte ay dapat isang usaping pampubliko.

Subalit ayon sa Pangulo, wala siyang karamdaman na dapat ipag-alala ng mga Pinoy at malayo pang mangyari ang ‘ipinagdarasal’ ng kaniyang mga kritiko.

“If you want me to die early, you must pray harder. Actually, what you intend or what you would like to happen is to see me go. You want me to go and you’re praying for that,” ani Duterte sa kaniyang televised briefing.

Loading…