Lalaki na nag-oonline class pa rin habang nasa outing kinaaliwan

  • Kinaaliwan ang isang netizen
  • Ipinakita kasi niya ang kaniyang ‘multi-tasking skills’
  • Habang siya ay nasa outing, dumadalo siya sa online class

Kung may magandang bagay man sa pagsasagawa ng online class, isa sa mga maaaring mabanggit ay ang paggawa ng mga bagay na sabay-sabay; kagaya na lamang ng pagdalo sa klase habang nasa outing.

Iyan ang kinaaliwan ng mga netizens matapos ibahagi ng ‘brainy netizen’ na si Clyde Adrielle Agustin sa kaniyang Facebook post ang kaniyang larawan kung saan makikitang nasa tabing-dagat siya habang nakadapang ginagawa ang kaniyang gawaing pampaaralan online.

Imahe mula sa Facebook account ni Clyde Adrielle Agustin

“Yung may outing pero may activity din,” saad niya sa kaniyang caption.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Brainy nga! Sabagay, ako nga habang umaattend ng online class ay naglalaba sa washing machine, o kaya nagtutupi ng mga damit. Tipid naman sa oras at panahon ang online class, basta maganda ang gadget at malakas ang internet connection, okay na rin,” wika ng isa.

Sabi naman ng isa, “Basic lang iyan. Iyong iba nga kung ano-ano na ang natatapos at ginagawa habang nasa online class o kaya naman sa meeting, hahaha.”

“Ito yung sinasabi na multi-tasking! Puwede mo naman mapagsabay ang pag-aaral at pag-eenjoy at the same time, hindi ba?” wika naman ng isa.

Simula nang mangyari ang pandemya noong 2020, isa ang online learning/distant learning sa mga modality ng pagtuturo na binigyang-tuon ng Department of Education o DepEd, para sa mga mag-aaral na may kakayahang dumalo sa mga virtual meetings: may magandang gadget at malakas na internet connection.

Public Domain Image

Para naman sa mga walang kakayahang makipagsabayan sa ganitong uri ng modality, nariyan naman ang modular approach kung saan maaaring matuto at mag-aral sa pamamagitan ng mga learning modules. Sa ibang mga paaralan, pinaghahalo nila ang online at modular approach na tinatawag namang hybrid.

Nailunsad din ang ‘DepEd TV’ kung saan umeere sa telebisyon ang pagtalakay sa mga aralin sa bawat baitang, sa pamamagitan naman ng teacher-broadcasters.

Habang hindi pa bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa, mukhang matatagalan pa bago makabalik sa dating paraan ng pagkatuto ang mga mag-aaral: ang pagtungo sa mga paaralan at pakikisalamuha sa mga kaklase at guro o tinatawag na ‘physical classes.’

Source :

Facebook

Loading…