Lalaking pulubi sa Laguna, natagpuan ng kanyang pamilya dahil sa isang feeding program

  • Hindi inaasahan ng isang pamilya na sa isang post sa social media nila makikita ang nawawalang kaanak
  • Mapalad kasing nabiyayaan ang lalaking pulubi ng pagkain sa isang feeding program ng MCGI
  • Sa pamamagitan ng feeding program at post sa social media ay nalaman ng pamilya ang kinaroroonan ng lalaki

Para sa ilang pamilyang Pilipino na humaharap sa suliraning mayroong nawawalang kamag-anak, isang dag0k ang pagkakaroon ng pandemya sa kasalukuyan. Mas nagiging mahirap kasi ang paghahanap sa mga mahal sa buhay dahil sa ipinatutupad na mahigpit na health prototocls sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Ngunit may iba’t ibang paraang ang tadhana upang pagtagpuin ang mga magkakamag-anak na matagal na nawalay sa isa’t isa. Kung minsan, daig pa nito ang mga tagpo sa isang telenovela.

Larawan mula sa UNTV Radyo La Verdad

Ganito ang kuwento ng isang pulubi sa Sta. Rosa, Laguna na natagpuan ng kanyang mga kamag-anak nang magsagawa ng feeding program ang Members Church of God (MCGI) sa nasabing lalawigan.

In-upload ng MCGI ang larawan ng lalaking pulubi na inabutan nila ng pagkain. Dahil sa larawan, nakita ng pamilya ng lalaki kung nasaan ang nawawalang kapamilya. Agad na ipinagbigay alam ng pamilya sa MCGI ang kanilang intensiyong makita ang lalaki.

Nakipagtulungan naman agad ang MCGI staff members para matunton ang pulubi. Sa in-upload na larawan ng UNTV Radyo La Verdad sa kanilang Facebook account, makikita ang palitan ng mensahe ng pamilya ng lalaki at ng mga mabubuting loob na nagsagawa ng feeding program.

Mula Mandaluyong ay tumungo ang pamilya ng lalaki sa Sta. Rosa upang sunduin na ito. Noong una ay nangangamba ang pamilya na baka hindi sila makapasok sa bayan dahil sa umiiral na quarantine. Gayunman, sa kaloob ng Diyos, ay nasundo ng pamilya ang lalaki.

Larawan mula sa UNTV Radyo La Verdad

Marami ang naantig sa pagtatagpo ng lalaki at ng kanyang pamilya. Marami ang nagpasalamat sa Diyos dahil sa dami ng magagandang nangyari sa isinagawang feeding program ng MCGI.

Mayroon ding mga netizen na hangad ang tuluyang pagbuti ng kalagayan ng pulubi upang maibalik na nito ang kanyang dating sigla at maayos na pamumuhay. Nagpaabot din ng pasasalamat ang mga netizen sa MCGI dahil sa walang sawa nilang pagtulong sa mga nangangailangan lalo na sa panahon ng pandemya.

Loading…