Let’s Go Bakuna: Kampanya para hikayatin ang mga mamamayan na magpabakuna inilunsad

Imahe mula sa Go Negosyo Facebook page
  • Inilunsad ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang Let’s Go Bakuna campaign
  • Layon nito na makumbinsi ang mga mamamayan na magpabakuna kontra sa COVID-19
  • Sabi ni Concepcion, bakuna ang solusyon sa pagsagip sa buhay at kabuhayan ngayong may pandemya

Inilunsad ngayong Biyernes, ika-30 ng Abril, ang Let’s Go Bakuna campaign upang maituro sa publiko ang kahalagahan ng pagpapabakuna kontra sa COVID-19. Pinangunahan ito ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder na si Joey Concepcion.

Screenshot mula sa Go Negosyo video

Sa paglulunsad ng kampanya, muling binigyang-diin ni Concepcion ang mahalagang papel na ginagampanan ng bakuna upang pasiglahin ang ekonomiya na pinadapa ng pandemya.

Hindi umano sapat na makabili lang ng COVID-19 vaccines upang mapagtagumpayan ang pandemya. Importante rin na makumbinsi ang mga mamamayan na tungkulin nila ang magpabakuna.

Aniya, ang bakuna ang solusyon sa pagsagip sa buhay at kabuhayan.

“The success in winning this war is not just in being able to buy the vaccines. It’s being able to convince every Filipino out there that it is their duty to get vaccinated. It is like being called to war as a soldier, but the weapon you carry is the vaccine. It protects yourself and it will protect others. This is the solution to saving both lives and livelihood. The vaccine is the solution,” ani Joey Concepcion.

Sa pamamagitan ng mga vaccine education forums, webinars, townhall meetings at multi-paltform information materials batay sa payo at testimonya ng mga eksperto, layon ng Let’s Go Bakuna campaign na tugunan ang pag-aatubili ng mga mamamayan na magpabakuna.

Imahe mula sa Go Negosyo Facebook page

“It will also help communities understand their role in the nationwide vaccination initiative — why getting vaccinated will make a huge impact in accelerating the recovery of the Philippine economy,” sabi  pa ni Concepcion.

Ang kampanya ay suportado ng 1,000 private companies.

Screenshot mula sa Go Negosyo video

Loading…