Libo-libong netizens nag-react sa joke ni Harry Roque na kahawig niya si James Reid

Imahe mula sa Facebook account ni Sec. Harry Roque
  • Viral ang isang Facebook post ni Sec. Harry Roque dahil sa kanyang joke
  • Base sa joke ay sinasabi ni Sec. Roque na kamukha niya ang aktor na si James Reid
  • Umabot na sa mahigit 202,000 ang reaksyon; 42,000 ang comments at 71,000 ang nag-share ng post ni Sec. Roque

Sobrang viral ang pabirong post ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang Facebook account. Mahigit 202,000 ang nagbigay ng reaksyon kabilang ang  higit 165,500 “Haha” emojis; 20, 400 “Sad”emojis at 11,200 ang “likes.”  Umabot na sa mahigit 42,000 ang nagbigay ng comments at may 71,000 shares na ito.

Screenshot ng Facebook post ni Sec. Harry Roque

Simple lang ang joke ni Sec. Roque tungkol sa pagkakahawig niya sa aktor na si James Reid.

“Me: Magkano po itong picture ni James Reid, Miss?

Saleslady: Salamin po ‘yan, sir.”

 Dinugtugan pa niya ito ng hashtag na #KalmaAkoLangTo.

Humakot ng atensyon ang kanyang Facebook post at kasama na rito ang mga naaliw at hindi natuwa. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

“Ito na ang pinaka nakakatakot na horror story na nabasa ko.”

 “Mukhang basag po ‘yung salamin, 50% discount na lang po, sir.”

 “Need po namin ng ayuda, sir. 2 weeks na kaming lockdown. Baka naman, no? Puro ka papogi d’yan.”

 “Sir, ‘wag mo kong biruin ng ganyan baka bangungutin ako.”

 “Kasalanan ng covid ‘yan sa katawan mo.”

 “With all due respect sir, we think that’s a very un-Christian statement.”

Imahe mula sa Facebook account ni James Reid

 Ang “un-Christian” na sinabi ng netizen ay pahaging sa ikinatwiran ni Sec. Roque sa mga reporters na nagtanong kung paano siya mabilis na nakakuha ng kwarto sa PGH nang magkaroon ulit siya ng COVID-19 gayong full capacity na ang mga pagamutan sa Metro Manila  at hindi na tumatanggap ng mga pasyenteng may COVID.

“With all due respect, I think that’s na un-Christian question,” sabi ni Sec. Roque sa reporter na nagtanong noong Lunes, April 12.

 

Source :

Facebook

Loading…