Lockdown balewala kung wala namang medical solutions sa pandemya – Rep. Zarate

Imahe mula sa Bayan Muna Facebook page
  • Balewala lang umano ang pagpapalawig ng ECQ kung hindi naman pinaiigting ang medical solutions para sa COVID-19, ayon kay Rep. Carlos Zarate
  • Hindi naman umano tuwirang tinutugunan ng lockdown ang problema sa COVID-19 infections
  • Sa kasalukuyang positivity rate ay tiyak raw na marami na ang nahawahan ng COVID-19 subalit hindi pa nate-test

Ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine sa NCR+ areas ay balewala kung hindi naman pinaiigting ang mga medical solutions sa COVID-19, ayon kay Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate.

Imahe mula sa Bayan Muna Facebook page

Hindi naman, aniya, tuwirang tinutugunan ng lockdown ang problema sa COVID-19 infections.

“Without massive free mass testing, aggressive contact tracing, effective and timely isolation and treatment, as well as a fast-tracked vaccination rollout, extending the lockdown would be next to pointless as this does not squarely address the problem of COVID-19 infections,” pahayag ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate noong Sabado, April 3.

Dapat daw ay umabot sa 120,000 hanggang 130,000 kada araw ang mga taong ma-test upang malaman ang mga taong nahawahan ng coronavirus.

Aniya, sa kasalukuyang positivity rate ay tiyak raw na marami na ang nahawahan ng COVID-19 subalit hindi pa nate-test.

Tanong niya, paano raw masosolusyunan ang problema kung uulitin lang ang pagpapatupad ng mga hakbanging na hindi naman epektibo. Ang ECQ extension ay isa raw malinaw na pag-amin ng administrasyon sa “kapalpakan” nito sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa PNA

“How can you expect something will change when you keep repeating the same ineffective measures? Extending the ECQ is a glaring admission by the administration na pumalpak ito, at patuloy itong pumapalpak,” wika ni  Rep. Zarate.

Pinuna rin ng mambabatas ang ipinangakong financial aid sa mga residente sa NCR+ areas na nasa ilalim ng ECQ. Aniya, anim na araw na ang lockdown, subalit hindi pa rin naipamamahagi ang ayuda.

Imahe mula sa Metro Headlines

Ipinahayag naman ng Department of Interior and Local Government na P22.9 billion cash aid sa mga NCR+ residents ay ire-release sa mga local government units simula sa Lunes, ika-5 ng Abril.

Loading…