Lorenzana dismayado sa pananatili ng Chinese vessels sa West PH Sea: ‘Umalis kayo diyan’

Imahe mula sa PNA
  • Naglabas ng mabigat na pahayag si Defense chief Lorenzana tungkol sa sitwasyon sa WPS
  • Hindi umano siya mauuto ng China at kailangang lumayas na ang kanilang barko sa lugar
  • Wala na raw dahilan upang manatili pa doon ang mga sasakyang pandagat ng China

Naglabas ng pahayag si Defense chief Delfin Lorenzana matapos madiskubre na hindi lang sa Julian Felipe Reef nakahimpil ang mga sasakyang pandagat ng China kung hindi nakakalat na ito sa iba’t-ibang bahagi ng West Philippine Sea.

Ani Lorenzana, hindi siya mauuto ng China matapos sabihin ng Chinese ambassador sa bansa na nakahinto lamang ang kanilang barko sa pinag-aagawang isla upang magpalipas ng sama ng panahon.

Sec. Lorenzana| Imahe mula sa PTV-4

Kailangan umanong ipaliwanag ng Chinese envoy kung bakit mayroon pa ring mahigit 44 Chinese vessels sa lugar gayong maayos naman ang panahon at hindi na maalon.

“The Chinese Ambassador has a lot of explaining to do. As of our latest maritime and aerial surveillance, there are 44 Chinese vessels that are in Julian Felipe Reef,” ayon sa pahayag ni Lornezana.

Wala na raw dahilan para humimpil pa ang mga barko ng China sa lugar na nasasakupan ng Pilipinas kaya kailangang lumayas na ang mga ito.

Imahe mula sa Twitter

“I am no fool. The weather has been good so far, so they have no other reason to stay there. These vessels should be on their way out. Umalis na kayo diyan,” dagdag pa ng Defense chief.

Ito na ang pinamabigat na pahayag na binitawan ni Lorenzana simula nang mapaulat noong nakaraang buwan na nasa 220 na sasakyang pandagat ng China ang naka-angkla sa Julian Felife Reef, isang isla na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ)ng Pilipinas.

Imahe mula sa PNA

Noong nakaraang linggo ay tiniyak ni Lorenzana na nakahanda silang ipagtanggol ang ating ‘national sovereignty’ at protektahan ang yamang-dagat sa West Philippine Sea. Ito umano ang dahilan kaya lalo pa nilang paiigtingin ang pagpapatrolya ng Coast Guard sa lugar.

“I assure our people that we are addressing the situation. We stand by our position calling for the immediate withdrawal of Chinese vessels in the Julian Felipe Reef, which was communicated to the Chinese ambassador,” giit ng opisyal.

Loading…