Luis Manzano nag-react sa viral posts tungkol sa kanyang kuko

Image by Luis Manzano via Facebook | Manila Diamond Studio via Instagram
  • Napudpod na kuko ni Luis Manzano, hot topic sa social media
  • Idinaan ni Luis sa patawa ang reaksyon sa posts ng netizens sa kanyang kuko
  • Ikinasal sina Luis at Jessy Mendiola sa Batangas noong February 21, 2021

Idinaan na lamang sa kuwela ng pamosong TV host na si Luis Manzano ang nag-trending na mga posts ng netizens kaugnay sa kanyang kuko. Maliban kasi sa “crying reaction” niya na nag-trending, hindi pinalampas ng netizens ang pag-zo-zoom sa wedding photos nila ni Jessy Mendiola.

Image by Luis Manzano via FB

“Pati kuko na pinag interesan niyo na!!! HAHAHAHAHAHAHAHAH,” aniya sa Facebook na sinamahan pa ng apat na naiiyak sa tawang emojis. Patawa pa niyang post sa Twitter, “Wag kang epal, nail cutter ko utong mo e.”

“Dapat talaga i nail-cutter ang utong nila!!!” ang sagot ng TV host sa post ni Liza Soberano na, “How is this even becoming acceptable? Isn’t anyone going to put a stop to this?”

Komento naman ng isang netizen, “Go! I-nail cutter na naten, tulong tayo. Happy kaya ako kapag ikaw ang host, ang kulet mo kasi.”

“Ang harsh ni ate kasi. Dami kong tawa kay Luis, ang sakit noon,” sabi pa ng isang netizen.

Ang pinag-uusapang kuko ay ang napudpod na hinlalaki ni Luis na napansin ng mga netizens makaraang i-zoom ang larawan nila.

Anang isang netizen, “Ba’t ganun idol Luis?? Gusto ko lang naman sana tingnan ang details ng ring ni Jessy. I-welcome natin si Luis sa kitkit club ting. P.S. ‘Wag niyo po akong i-bash. Ganyan din ang kuko ko ‘pag walang nailpolish. Nginangatngat ko din po.”

Image by Luis Manzano via FB

Matatandaang ikinasal sina Luis at Jessy noong February 21, 2021, sa Batangas pero kamakailan lamang sila nagbahagi ng wedding video at pictures sa mga tagahanga.

“I will always love you even on the darkest of our days. I will protect you and I promise that if you grow weak, I will be there to fight your battles for you.” ang bahagi ng caption ni Jessy sa isa niyang post.

Image by Manila Diamond Studio via Instagram

Loading…